Robin titigil muna sa showbiz ngayong senador na: Napakalaking responsibilidad kasi ang magsilbi sa bayan

Robin titigil muna sa showbiz ngayong senador na: Napakalaking responsibilidad kasi ang magsilbi sa bayan

HANGGANG ngayon ay parang nananaginip pa rin ang action star at Box-Office King na si Robin Padilla matapos mag-number one sa senatorial race last May 9, 2022 elections.

Pahayag ni Binoe, okay na siya kung lumanding siya sa pang-10 o pang-11 at 12 na puwesto pero sa hindi niya inaasahang pagkakataon, siya pa ang nanguna sa listahan ng mga kumandidatong senador.

Naiproklama na ang mister ni Mariel Rodriguez kahapon sa PICC bilang isa sa 12 senador na nanguna sa botohan at pormal nang tinanggap ang bagong hamon bilang senador ng Pilipinas.

“Everyday kinukurot ko sarili ko, tinitingnan, iniisip ko kung pangalan ko nga ba ang nandu’n.

“Akala ko puwede nang number 10 o 11 o 12 lang ako. Pero dahil nauna ka, maraming nabago sa akin. Bigay na ito ng Panginoon! Napakalaking responsibilidad na magsilbi sa bayan,” pahayag ni Robin sa panayam ng ABS-CBN.

Kasabay nito, kinumpirma rin ni Binoe na ititigil na muna niya ang paggawa ng mga pelikula para makapag-concentrate sa pagiging public servant.

“Mahalaga sa akin magtrabaho na ako para pagtuunan ang mga reporma sa batas,” ani Robin na ang magiging huling pelikula bago maging full-time senator ay ang kanyang movie project tungkol sa Marawi na may working title na “Mistah 2″.

Inumpisahan niya ito noong 2018 pero natigil ang shooting nito nang magkapandemya, “Last movie ko na yon. Mananatili na lang yung show ko sa TV. Pero sa showbiz, last ko na ‘yon.

“Hindi puwedeng hindi matuloy yon kasi marami nabitin du’n, nagkapandemya, nag-umpisa pa kampanya kaya di agad puedeng gawin. Kailangang gawin yon kasi history natin yon,” aniya pa.

Samantala, nilinaw naman ni Robin na walang isyu sa pagtungo ni Mariel sa Spain kasama ang kanilang mga anak pagkatapos ng eleksyon.

 

 

Wala kasi ang kanyang misis sa senate proclamation kahapon. Ang mga nakasama ni Binoe sa PICC ay ang mga kapatid niyang sina Rommel, Rema, Ricci, mga kaibigang sina Philip Salvador, Nadia Montenegro, at ang kapatid ni Mariel na si Kay Termulo-Garcia.

“Plano namin ni Mariel magbakasyon talaga e nag-number 1 tayo so sabi ko I have to do my homework.

“Sabi ko kay Mariel, ikaw na muna bahala sa mga bata. Nagpi-pilgrimage talaga kami sa Spain para alam ng mga anak ko kung saan galing ang pamilya Padilla,” paglilinaw ni Robin.

Sa huli, sinaluduhan din ni Robin si Mariel at ang inang si Eva Cariño, “Nagpapasalamat ako sa ermats ko dahil may basbas siya. Si Mariel, my queen, siya lahat ang nagkumpas sa loob ng digmaan kung ano gagawin namin, siya lahat, sa posters, t-shirts pati oras at gastos.”

Ilan sa mga unang pagtutuunan ng pansin ni Robin sa pag-upo niya bilang senador ay ang nga isyu sa constitutional reform, defense at security.

Related Chika:
Robin umatras sa pagtakbong governor: Hindi ko po kaya ang P150-M na gastos sa kampanya

Kita ni Mariel sa ‘Cooking Ina’ meat business ginagastos sa kampanya ni Robin

Mga Muslim nagpiyesta sa pangunguna ni Robin sa bilangan; Mariel, 2 anak biglang umalis sa Pinas…anyare?

Read more...