Kilalang aktor nai-stress sa pasaway na talent manager: Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko

Guess, guess time na naman! Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?!

STRESS to the max ang aktor sa kanyang talent manager dahil ang daming offers sa kanya na hindi niya matanggap dahil hindi siya pinapayagang gawin ito.

Tsika ng aktor, “Ilang beses ko na siyang (manager) kinausap na sabi ko gusto kong gawin ito dahil okay naman ang role at maganda rin ang talent fee, pero ayaw ni ____ (pangalan ng manager).

“Kasi may iba raw ibibigay sa amin ang network. Yun lagi ang sinasabi may ibibigay ang network, e, ilang buwan na wala pa, buti nga binalikan ako nu’ng inalok na project,” sabi pa niya sa amin.

Dumiretso na nga raw sa kanya ang isa sa bossing ng production dahil nakailang tawag at text raw sila sa manager ng aktor pero hindi sila sinasagot.

“Nahiya nga ako kina (mga bossing ng production) kasi hindi sila sinasagot ni ____ (manager) kaya sa akin tumawag at sinabi ko nga na tinatawagan siya pero hindi naman sinasagot.

“Tapos nu’ng sinabi kong gusto kong gawin, biglang may offer daw ang network. Nu’ng i-check ko ang schedules hindi naman tatama do’n sa gagawin kong movie kahit lock-in shoot pa.

“Wala naman akong ginagawa bakit hindi ako payagang tumanggap, kailangan ko ring kumita, may pamilya akong binubuhay,” paliwanag ng aktor.

Kilala ang pangalan ng aktor pero sa network kung saan siya konektado ay bilang lang ang proyekto niya pero sa pagkakatanda namin ay mataas ang ratings ng mga programang kasama siya dahil isa siya sa main cast.

Gusto nang bumitaw ng aktor sa manager niya dahil imbes na makatulong o tulungan siyang magka-project ay dahilan pa para mawalan siya ng pagkakakitaan.

Tinanong namin kung maraming talents na hawak ang manager kaya siguro hindi siya gaano naasikaso.

“May ilan din pero ako ang isa sa pioneer, sana naisip niya ‘yun, marami na nga ang umalis sa kanya, eh,” kuwento pa ng aktor.

Sa kasalukuyan ay malapit nang matapos ang pelikulang sinu-shoot ng aktor at wala pa rin siyang alam na gagawin niyang kasunod.  Ang sinasabi ng manager niyang may offer ang network ay wala pa rin hanggang ngayon.

* * *

Nagsimula na ang kapana-panabik na bakbakan ng celebrity, adult, at teen comeback housemates upang mabilang sa Biga10 housemates ni Kuya sa “PBB Kumunity Season 10.”

Simula Mayo 15 hanggang 17, sabay-sabay na nag-livestream sa Kumu ang comeback housemates na sina Brenda Mage at Madam Inutz ng Celebrity Edition, Michael Ver Comaling at Zach Guerrero ng Adult Edition, at Stephanie Jordan at Maxine Trinidad ng Teen Edition para mabigyan ng pagkakataong makasama sa sampung magtutunggali para maging Big Winner ng season na ito.

Ang kumunity (adult, celebrity, o teen) na may pinakamaraming virtual gifts na matatanggap ay makakakuha ng dalawang pwesto sa Biga10 housemates. Pero may tsansa pa ang ibang comeback housemates dahil paglalabanan nila ang natitirang dalawang slots sa pamamagitan ng pagharap sa mga hamon ni Kuya.

Noong Linggo (Mayo 15), nakabalik na sa bahay ni Kuya ang top 2 housemates mula sa bawat kumunity na sina Anji Salvacion, Samantha Bernardo, Nathan Juane, at Isabel Laohoo kasama ang katatanghal lang na top 2 teen housemates na sina Gabb Skribikin at Rob Blackburn.

Nakakuha si Rob ng 27.1 percent na boto, habang 22.34 percent naman ang natanggap ni Gabb. Bukod sa pwesto sa Biga10 housemates ni Kuya, nakatanggap din ang top 2 teen housemates ng tig-P100,000.

Sino kaya ang apat na comeback housemates na bubuo sa Biga10 housemates ni Kuya? Abangan sa “PBB Kumunity” Season 10.
https://bandera.inquirer.net/287950/jessy-pag-may-anak-na-gusto-ko-ako-yung-magluluto-ako-yung-magdadala-at-susundo-sa-kanila-sa-school

https://bandera.inquirer.net/287291/alden-umaming-nag-alangang-gawin-ang-the-world-between-us-bakit-kaya
https://bandera.inquirer.net/309409/aga-nag-explain-sa-pagsusuot-ng-pula-pagdating-sa-mga-gulu-gulo-ayaw-ko-talagang-sumali

Read more...