Maggie Wilson, Vic Consunji muling nagkita sa kasalan, nagpansinan ba o dedma lang?

Kit Barraquias, Vic Consunji, Bubbles Paraiso, Timothy Connor at Maggie Wilson

PAGKALIPAS ng ilang buwan ay muling nagkita ang ex-couple na sina Vic Consunji at Maggie Wilson nang dumalo sa kasal ng common friend nilang sina Misagh Bahadoran (dating Azkals player) at Riza Siccion kagabi, May 17.

Sa Okada Manila ang reception at base sa aming source ay kasamang dumating ng ex-husband ni Maggie ang aktres na si Bubbles Paraiso at modelong si Kit Barraquias.

Kasama naman ng ex-wife ni Vic ang modelo at business partner nitong si Timothy Connor.

Ayon sa aming source, “Napansin ng lahat na umiwas si Vic kay Maggie kasi magkakasalubungan sila pero nag-iba ng daan si Vic and sandali lang sila sa event while Maggie and Tim stay a bit longer.”

Samantala, patungong Dubai ngayong gabi sina Maggie at Tim para sa sinu-shoot nilang reality show.

Ito pala ‘yung binabanggit ng dalawa sa kanilang Instagram stories kung saan hinihikayat nila ang mga “Marites” na abangan ang season 3 ng show.

Totoo nga palang may reality show na ginagawa sina Maggie at Timothy na nagsimulang kunan sa Amerika, ikalawa ang Pilipinas na nakunan na sa loob ng tatlong araw, at ang next destinations nila ay sa Dubai, London at Thailand.

Walang binanggit sa amin kung pang-season 1 itong sinu-shoot nila dahil kakasimula palang nila kamakailan.


Wala pa silanng ibinigay na titulo ng show pero mala-The Kardashian daw ito at mga Fil-Am ang producers na mapapanood sa HBO.

Binalikan namin ng tanong ang aming source kung ano na ang estado ng relasyon nina Vic at Maggie, “Hindi sila nag-uusap.  Alam ko on-going ang kasong annulment.”

Sa kasalukuyan ay nananatiling tahimik sina Maggie at Vic tungkol sa kinakaharap nilang annulment case.

Maggie Wilson nabili na ang franchise ng Miss Universe UAE

Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son

Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Read more...