After 6 years…Pauleen kilig na kilig pa rin kay Bossing: Still so madly in love with you!

Pauleen Luna at Vic Sotto

MULING nagpasabog ng kilig at good vibes ang TV host-actress na si Pauleen Luna sa social media matapos ibandera ang abot-langit na pagmamahal niya kay Bossing Vic Sotto.

Talagang ipinagsigawan ni Poleng sa buong universe na hanggang ngayon ay patay na patay pa rin siya sa veteran comedian at “Eat Bulaga” host.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Pauleen kahapon, May 17, ang isang appreciation post para sa kanyang pinakamamahal na asawa.

Nag-compile ang aktres ng tatlong video para sa kanyang Instagram Reel kung saan mapapanood ang mga bonding moments nila ni Bossing, kabilang na ang mga “nilalanggam” nilang mga eksena together.

“This is you, this is me, this is all we need,” ang maikli ngunit punumpuno ng pagmamahal na mensahe ni Pauleen para kay Bossing.

Sa isang video, makikita si Vic na nasa loob ng eroplano at nagpa-flyng kiss kay Pauleen habang sa second video naman ay makikitang inaabutan ng aktres ang asawa ng drink.

Sa ikatlong video ay ang kissing scene naman ng mag-asawa. Sey pa ni Pauleen sa kanyang caption, “Still so madly in love with you @mzet280 (Vic).”


Early this year, nag-celebrate ang Kapuso couple ng kanilang 6th wedding anniversary. Mensahe ni Poleng kay Vic sa kanilang anibersaryo, “My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but I think the thing I love most about him is the amount of respect he gives me.

“He respects my life decisions, he respects my room to grow and he respects me like an equal. Never did I hear my husband raise his voice and (I never) felt like I was younger and didn’t matter. I always felt validated. I always feel important around him.

“Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it’s one of the main reasons why this relationship is so easy,” ang mensahe pa ni Pauleen sa kanyang asawa.

Ikinasal sina Pauleen at Vic noong 2016 at makalipas lamang ang isang taon, isinalang na ang panganay nilang anak na si Talitha Maria o Tali.

Pauleen nagpasalamat kay Lord dahil ibinigay sa kanya si Bossing: 6 years ago, I married the man I love

Pandemic hugot ni Pauleen: Natutunan ko talaga na napakaikli lang ng buhay

Iwa Moto sa mga nagbabangayan ukol sa politika: Respect one another!

Read more...