Darryl Yap planong gumawa ng pelikula tungkol sa pamilya Marcos; aprub sa mga BBM loyalist

Darryl Yap

TINULDUKAN na ni Direk Darryl Yap ngayong araw sa pamamagitan ng Facebook na wala siyang planong maging chairperson ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.

Nag-viral at trending na naman ang pangalan ng direktor dahil sa isang opinyon na puwede raw siyang maging head ng nasabing ahensiya.

Pinaniwalaan kasi ito ng netizens kaya naloka ang ilang nakatsikahan naming dikit kay FDCP Chairperson Liza Dino na nagsabing maganda naman daw ang pamamalakad nito ahensiya kaya bakit kailangang palitan. Bukod dito, marami ring ayaw sa box-office director ng Vivamax.

Ani Direk Darryl, “Kalma na po ‘yung mga direktor; hindi po totoong I’ll head FDCP; kasi kung totoo- ang una kong gagawin ay mag OPEN FORUM tayo, pag-usapan natin kung bakit lagi n’yo akong pinag-uusapan.”

Ang basa namin kay direk Darryl ay mas malaki ang maiaambag niya sa showbiz kapag gumawa siya ng maraming pelikula dahil marami rin siyang natutulungang talent na nagsisimula pa lang sa movie industry kaya hindi rin niya talaga gustong pamunuan ang FDCP at higit sa lahat, hindi niya type mag-opisina.

At heto na nga, may bagong ideyang naisip si direk Darryl para sa susunod niyang pelikula. Post ng direktor, “Dahil tapos na ang aking election-leave sa VIVA Films; I am set to shoot #SeoulMeyt asap.

“Pero parang wala pa doon ang puso ko parang gusto ko rin i-treat ng victory watch party ang 31M Filipinos na nagbigay sa akin ng hang-over ngayong makasaysayang eleksyon.

“Itodo na natin, How about a Movie about the Marcoses? Tingin n’yo?” aniya pa.

Grabe, umabot na sa mahigit 300 shares ang post na ito ni direk Darryl with 3.7k comments at 28k likes/love.

Binasa namin ang mga komento ng netizens at maraming nagsabing gawin na kaagad ito ng direktor at maraming gustong mag-audition.

Mula kay @Edgardo Umali Ellucor Farms, “So that everyone may know the other side of the TRUTH. It’s time. This is the moment to listen to the unheard VOICE OF FERDINAND MARCOS.”

Gayun din si @Allan Cabanos Gollayan, “Direk mas mainam na gumawa ng Marcos movie…31.1M ang siguradong manonood nyan.”

Aprub din kay @Maris Penera, “YES na YES… gogogogooo direk! Sana Mula sa “BEFORE Martial Law time” noong panahon na Masaya lng BUHAY-buhay.”

Say ni @Dith Davin, “Yes please! 31M people would love to watch it Direk! Yung mala designated survivor baga? Or yung may seasons. Story ng bawat isang Marcos every season. Wala kasing malinaw na pagalalahad sa pinagdaanan nila.”

At dahil maraming may gusto sa naisip ni Direk, mukhang mapapa-oo rin niya ang mga bossing ng Viva.

https://bandera.inquirer.net/313247/darryl-yap-may-patutsada-kay-leni-robredo-talo-na-po-kayo

https://bandera.inquirer.net/292338/fdcp-nakiusap-sa-mga-movie-company-hindi-talaga-tayo-pwedeng-kumikilos-ng-kanya-kanya

https://bandera.inquirer.net/300616/derek-ellen-sa-2022-balak-gumawa-ng-baby-gusto-ko-boy-hindi-ko-kaya-pag-babae-marami-akong-gugulpihin

 

Read more...