Darryl Yap kay VP Leni: I respectfully urge you to stop your cult from destroying the economy and the democracy

Darryl Yap kay VP Leni: I respectfully urge you to stop your cult from destroying the economy and the democracy

TRUE nga kaya ang chika na inalok ng administrasyon ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagiging Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson kay Darryl Yap?

Nag-post kasi sa Facebook ang GMA scriptwriter na si Suzette Doctolero matapos mag-trending ang direktor sa Twitter kahapon, May 16.

Saad ni Suzette, “Bakit trending si Daryl Yap? E ano kung maging FDCP head siya? Ayaw nyo rin naman kay Liza nung simula kasi the who, pero later on ang dami nang chumika doon sa babae. Ganun talaga ang nature ng politics sa Pinas.Chaka mang sabihin pero kung sinong nanalo, sila ang makakakuha ng posisyon. ”

Ang binanggit niyang si Liza ay ang kasalukuyang FDCP chairwoman at asawa ni Ice Seguerra na si Liza Dino.

Aniya, tinanggihan naman daw ni Darryl ang alok sa kanya dahil alam niyang marami ang hindi matutuwa at maiimbyerna kung sakaling tanggapin ng direktor ang posisyon.

Ngunit hiling niya na sana ay tigilan na ang kakabatikos sa direktor at baka magbago ang isip nito at tuluyan na ngang tanggapin ang alok.

Sey pa ni Suzette, “Pero ang alam ko ay tinanggihan ni Daryl ang alok. To be fair, alam naman nung bata na maraming aatakehin sa puso kaya umayaw na sya coz he cares you know haha. Pero huwag nyo nang ibash at baka magbago pa ang isip. Di ko mabe-blame yan ha. Lols.”

Ang dahilan ng pag-trending ni Darryl ay ang mga naging patutsada nito sa incumbent Vice President Leni Robredo.

“VP Leni Robredo, I respectfully urge you to stop your cult from destroying the economy and the democracy you and your followers vowed to protect,” saad ng direktor sa kanyang Facebook post noong May 12.

Kaya naman agad siyang naging laman ng usap-usapan sa Twitter.

Saad ng mga netizens na sumusuporta sa kasalukuyang bise presidente, dapat daw ay si Darryl Yap ang tumigil.

“Darryl Yap, I respectfully urge you to stop. Just stop. Stop being an asshole. Thanks! Best regards, The Filipino nation,” comment ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Is he bothered that an NGO will actually do a better job than the government?”

“I respectfully urge you to stop yourself from destroying the Filipino film industry. How about that, Darryl Yap?” hirit naman ng isa pa.

Related Chika:
Sharon sa tsismis na nakakaubos daw siya ng buong lechon: Kawawa naman yung baboy, nakakahiya naman, di ba?!

Darryl Yap may patutsada kay Leni Robredo: Talo na po kayo

Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Read more...