Iza Calzado ipagdarasal sina Bongbong Marcos at Sara Duterte: I now put my faith in the current elected administration…

Iza Calzado, Bongbong Marcos at Sara Duterte

NAG-PROMISE ang award-winning actress na si Iza Calzado na susuportahan at irerespeto niya ang mga bagong halal na opisyal ng pamahalaan, kabilang na si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Isa si Iza sa napakaraming Kapamilya stars na lantarang sumuporta kay presidential candidate Leni Robredo at sa iba pa nitong kapartido.

Ayon sa aktres, ibinibigay na niya ang kanyang “faith” sa incoming administration, at sana’y matupad nga nito ang lahat ng ipinangako para sa kapakanan ng sambayanang Filipino.

Tanggap na rin ni Iza ang katotohanan na hindi sila nagtagumpay sa kanilang laban para mapaupo sa Malacañang si VP Leni at ang running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan na tinalo nga ni Davao City Mayor at presumptive vice president Sara Duterte.

Idinaan ni Iza sa Instagram kamakalawa ang kanyang saloobin tungkol sa naging resulta ng eleksiyon at ibinahagi ang naging karanasan niya sa pagdalo sa mga campaign rally ng Team Kakampink.

Pahayag ng premyadong aktres, “To accept defeat with dignity and grace and a heart filled with hope is what this election season has taught me.


“I have the utmost respect for the leaders I voted for after seeing them handle their loss,” lahad pa niya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nakasama niya sa ilang linggong pangangampanya sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kung saan muli niyang nasaksihan kung paano manindigan ang mga Pinoy sa kanilang ipinaglalaban.

“To everyone I met along the way during the campaign, thank you. It was so inspiring to see this awakening of the Filipino spirit. I will treasure it forever,” sabi pa ni Iza.

Sa huli, nabanggit nga ng aktres na ipinauubaya na niya kina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang kinabukasan at kaligtasan ng bansa at ng mga Filipino.

“I now put my faith in the current elected administration and, with a hopeful heart, I pray for them as they do their duty to lead our country.

“Now, we must stand strong, united for the Motherland. We must push for progress, peace and prosperity asone. Love and Light, Pilipinas. Mabuhay!” ang panghuling mensahe pa ni Iza Calzado.

https://bandera.inquirer.net/309731/iza-emosyonal-nang-mabanggit-ni-vp-leni-ang-yumaong-mga-magulang-lord-kayo-na-po-ang-bahala

https://bandera.inquirer.net/290579/iza-calzado-lilipad-na-rin-bilang-darna-naiyak-ako

https://bandera.inquirer.net/306615/iza-calzado-na-intimidate-noon-kay-cherry-pie-picache-ang-husay-niya

 

Read more...