Clarita Carlos nanawagan ng sama-samang panalangin para sa paggaling ni Kris Aquino

Kris Aquino at Clarita Carlos

NI-REPOST ni retired UP Professor Clarita Carlos ang art card ni Kris Aquino sa kanyang Facebook page kung saan sinabi nitong “life threatening” na ang kanyang sakit.

Ang nakasulat sa art card ay, “Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.

“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan.”

Ayon sa fearless at feisty professor, nakita na niya si Kris simula nu’ng maging guest ito para sa opening ng food outlet at simula noon ay sinubaybayan na niya ito.

Hanga raw siya sa talino ng bunsong anak nina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Corazon C. Aquino na parehong namayapa na.

“I first saw Kris Aquino when she was like 8 years old, while cutting the ribbon of a fast food outlet at the SM North mall.

“She delivered her short speech extemp and she was very articulate.

“We have followed her to her adulthood as the feisty, fun loving daughter of our president.

“Later, she shared with us her sadness and her unhappiness from her, admittedly, many errors in judgment in love.


“I have always admired her chutzpah… being her own person and not really caring a whit what the rest of us think,” pahayag ng propesora.

Sa kasalukuyang medical condition ni Kris ay nanawagang samahan siyang magkaisa sa pagdarasal na sana’y makayanan nito ang kanyang karamdaman at gumaling kaagad.

“Today, given her very serious medical challenge, I hope you will join me in summoning all the positive energy of the universe, to help her heal…Thank you,” mensahe pa niya.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ngayong alas-kuwatro ng madaling araw ay kulang 500 shares na ang post na ito ni Prof. Clarita habang pinusuan at ni-like na ito ng 21,000.

Libu-libo na rin ang nagkomentong ipagdarasal nila ang agarang paggaling ng Queen of Social Media. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens.

Mula kay @Jinky C. Barriga, “I’m not really a fan but truly saddened me and it hurts to see her like this. Truly praying for her recovery, and peace, and calmness (3 red heart emojis).”

Say naman ni @Hankie Boukreev, “Healing is surrender to the Divine. When we are in surrender mode…healing starts effortlessly.”

Sabi ng kumandidatong bise presidente ng bansa na si Ginoong Walden Bello, “Hope she recovers soon.”

Ayon naman kay @Danilo Yang, “Life is in the hand of the giver. No matter how popular we are, how powerful, at the flick of the fingers our happiest and power will come to an end. We pray for her that the lord will grant her reprieve.”

Gayun din si @Mer De Guzman Mansilungan, “Yes and praying also that she will free herself from hate and learn to forgive and let go not only for her physical healing but spiritual too.”

Para kay @Malou C. Mariano, “She is an exceptional person and has been through a lot. (praying hands emoji) for her.”

Saad naman ni @Jun Quintana, “I’ve always admired her chutzpah as well. Sending positive vibes to her!”

Mula rin sa BANDERA ay agarang paggaling ang panalangin namin para kay Kris Aquino.

https://bandera.inquirer.net/313225/frankie-binigyan-ng-assignment-ni-clarita-carlos-can-you-write-a-5000-word-essay-defending-your-declaration

https://bandera.inquirer.net/310805/clarita-carlos-binatikos-matapos-magkomento-sa-bar-exam-passers-we-need-more-scientists-engineers-doctors-not-more-lawyers
https://bandera.inquirer.net/302780/kris-mahaba-pa-ang-laban-para-gumaling-ang-wasak-na-puso-pero-tuloy-ang-pagtulong-kahit-lumala-ang-sakit

Read more...