Robi gumawa ng tula para sa bagong administrasyon: Demokrasya ay patuloy na igigiit at ako’y ‘di na muling pipikit

Robi Domingo

GUMAWA ng tula ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo para sa naging resulta ng May 9, 2022 elections.

Base sa ilang bahagi ng kanyang binuong tula, nais iparating ni Robi sa sambayanang Filipino na wala siyang pagsisisi sa naging political stand niya sa nakaraang halalan.

Isa ang binata sa mga Kapamilya stars na lantarang sumuporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na hindi nga pinalad na makaupo bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

“Walang pagsisisi dahil kami’y tumindig.

“Ipinaglaban ang pinaniniwalaan gamit ang tinig.

“Salamat sa mga Tropang nagkapit-bisig dahil ipinakita niyo sa amin ang pag-asa at pag-ibig,” ang bahagi ng ginawang tula ni Robi.

Hindi rin daw siya nahihiyang sabihin na hanggang ngayon ay pina-process pa rin niya sa kanyang isip ang naging resulta ng halalan kasabay ng pangakong patuloy pa rin siyang makikipaglaban para sa kapakanan ng bayan at ng sambayanang Filipino.

“Demokrasya ay patuloy na igigiit. At ako’y ‘di na muling pipikit.

“Mananaig ang respeto sa naging desisyon para sa mga naluklok sa susunod na administrasyon.

“Ito na sana ang malaking pagkakataon na ang mga problema’y mabigyan ng maganda at maayos na solusyon,” ang pagtatapos ng nasabing tula ng TV host.


Sa thanksgiving rally ng mga Kakampink nitong nagdaang Biyernes, sinabi ni VP Leni sa kanyang mga supporters na maluwag na tanggapin sa kanilang puso ang naging choice ng nakararami ngunit nangako siya na patuloy niyang lalabanan ang kasinungalingan at katiwalian sa bansa.

Dito rin niya ibinalita na gagawin niyang isang non-government organization ang Angat Buhay anti-poverty program ng Office of the Vice President na ilulunsad sa July 1, ang unang araw ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong pangulo ng Pilipinas.

https://bandera.inquirer.net/285091/robi-umaming-selosong-dyowa-parang-napapraning-ako

https://bandera.inquirer.net/295848/robi-domingo-sinagot-ang-paratang-na-ginagamit-niya-si-maymay

https://bandera.inquirer.net/290661/sanaall-dingdong-may-sweet-na-tula-para-kay-marian-rivera

Read more...