Ka Tunying sa patuloy na paglaban ni Zoey sa leukemia: Konti na lamang, bumabalik na sa porma

Anthony Taberna at Zoey Taberna

MASAYANG nagbahagi ng update ang veteran broadcast journalist na si Anthony Taberna patungkol sa health condition ng panganay niyang anak na si Zoey Taberna.

Ayon kay Ka Tunying, unti-unti nang “bumabalik sa porma” ang kundisyon ng katawan ni Zoey na 14 years old na ngayon at patuloy na nakikipaglaban sa sakit na leukemia.

Disyembre noong 2019 nang ma-diagnose ng leukemia ang bata na noo’y 12 years old pa lamang at hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang sumasailalim sa gamutan.

Nito lamang nagdaang Marso, nagdesisyon na si Anthony at ang asawang si Rossel Taberna na dalhin na sa Singapore ang kanilang panganay para doon ipagpatuloy ang pagpapagamot nito.

At mukhang unti-unti na ngang nakaka-recover si Zoey makalipas ang halos dalawang buwang pananatili roon.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ka Tunying kahapon, May 15, sa kanyang followers ang latest photo ni Zoey na kuha sa isang park sa Singapore.


Sey niya sa caption, “Kakatuwa naman. Salamat po Ama! Konti na lamang, Achi Zoey. Bumabalik na sa porma! (Three heart emojis).” Dinugtungan niya ito ng mga hashtags #keepthefaith, #miracle #SaAmaNakasandal, #bravest, #inspiringgirl at #lovelyZoey.

Bumuhos naman ang mga inspiring message sa nasabing post ng broadcaster kabilang na ang mga mensahe mula sa mga kasamahan dati ni Anthony sa ABS-CBN tulad nina Bernadette Sembrano, Karen Davila at Amy Perez.

Matatandaang nabanggit ni Ka Tunying kamakailan na hindi siya pinayagan ni Zoey na um-absent sa trabaho para magbantay o mag-asikaso sa kanya sa ospital.

Sabi raw ng kanyang anak, nadadagdagan ang lakas niya kapag napapakinggan ang kanyang tatay sa radyo at iba sa iba pang platforms.

Pahayag ni Anthony, “Nagsabi ako kay Zoey nu’ng nandu’n kami sa ospital na hindi na muna ako magdo-DosPorDos dahil pumayag naman ang management ng DZRH. (susuweldo kahit di pumapasok).

“Sabi ko rin sa kaniya, hindi na muna ako magso-social media9 para maasikaso ko siya ng 100% habang nagpapagamot siya rito.

“Pero sagot ni Zoey, ituloy ko na gawin ang mga bagay that ‘i love doing’. Ayaw daw niyang dahil sa kaniya ay itigil ko ang buhay ko (profession / vocation/ diversion/ passsion o kung ano man yun),” ani Ka Tunying.

“Ganyan si Zoey, kung puwede ngang tiisin ang sakit, titiisin wag lang makapang ‘abala’ sa magulang niya.

“Kaya, kahit nandu’n ako sa isang sulok ng hospital room at pag sinensyasan ako ni Zoey ng thumbs up, tuloy ang aking FB live, interviews at DosPordos! Salamat din kay Dr. Anselm Lee at sa mga staff nurses na umintindi sa ingay ko. #BilibAkoSayoZoey #GoAchi #KeepFighting #AngDiyosAngBahala @zasiazoey @rosseltaberna,” ang mensahe pa ni Anthony.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa latest post ni Ka Tunying hinggil sa kalusugan ni Zoey.

“God is really good all the times. He will continue the healing process of Zoey. God bless your family.”

“Kahanga-hangang katapangan, patuloy ang aking pagdarasal sa iyong ganap na kagalingan Zoey, God bless you more than enough to fulfill God’s will for you and your family.”

“Keep safe and fighting to conquer your illness. God be with you always. We will pray for your speedy recovery.”

“Maawa ang Ama, gumaling na po kayo sa inyong karamdaman at magsilbing inspirasyon sa maraming mga tao. Keep the faith, we are INC makakaalpas din po sa daluyong ng buhay. Isasama po namin kayo sa aming panalagin.”
https://bandera.inquirer.net/299413/ka-tunying-naniniwalang-magaling-na-ang-anak-na-may-leukemia-siya-ang-pinakadakilang-manggagamot

https://bandera.inquirer.net/303924/anthony-taberna-umalma-sa-akusasyong-biased-daw-si-jessica-yung-titirahin-yung-host-mali-yun

https://bandera.inquirer.net/308801/ka-tunying-muling-ibinandera-ang-tapang-ng-anak-sa-paglaban-sa-leukemia-zoey-bilib-kami-sa-yo

 

Read more...