Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

Angeli Khang

MALALIM ang pinaghuhugutan sa buhay ng Vivamax bombshell na si Angeli Khang kaya naman bukod sa pagpapakita ng katawan ay kering-keri rin niya ang magdrama sa kanyang mga pelikula.

In fairness, isa si Angeli sa pinakamabentang sexy star ngayon sa Viva Films dahil halos lahat ng ginawa niyang movies para sa Vivamax ay kumita at talagang pinag-usapan ng mga manonood.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng dalaga kina Boss Vic at Vincent del Rosario sa lahat ng mga opportunity na ibinibigay sa kanya.

Si Angeli ang kinikilala ngayon  bilang bagong Takilya Queen ng Vivamax with chart-topping Vivamax originals na “Taya,” “Mahjong Nights,” “Eva” at “Silip sa Apoy.”

At ngayon nga, muli niyang patutunayan ang kanyang pagiging reyna ng Viva sa pamamagitan ng bago niyang sex-action-suspense film na “Pusoy” na ipapalabas na sa May 27.


Makakasama niya rito sina Vince Rillon, Baron Geisler, Janelle Tee, Jela Cuenca, at marami pang iba. This is written and directed by Phil Giordano, produced by Brillante Mendoza.

Paglalarawan ng dalaga sa kuwento ng latest movie niya, “Iyong movie is about Pusoy and sugal, but nangyayari talaga ito sa totoong buhay, hindi lang sa malalaking palaruan, but also from the lowest to the highest, mayroong dayaan sa pagsusugal.

“Si Mika rito is hustler talaga siya kahit hindi siya nandadaya and napansin siya ni Baron na asawa ni Janelle. After that doon na nagka-twist-twist yung movie, kaya abangan nyo kung ano ang mangyayari,” chika ng dalaga.

Siniguro rin ni Angeli na hindi mabibitin ang mga manonood sa mga love scenes sa pelikula lalo na ang mga kalalakihang fans ng mga bold movies.

“Yes, sobra-sobrang kakaiba ang mga sexy scenes rito, super-wild. Ang tawag nga namin ni Janelle is Fifty Shades of Grey pero in a weird version. Ha-hahaha!

“Never na never na mabibigo ang mga boys na naghahanap ng pampainit, it’s from Vivamax, kaya never na mabibigo yung mga boys sa movie na ito,” sey pa ni Angeli.

Samantala, sa kuwento ni Angeli tungkol sa pinagdaanan niya noong bata pa lamang siya mula sa kamay ng malupit niyang ama na isang Koreano, aba, talagang kotang-kota na siya sa mga kadramahan sa buhay.

Dahil nga sa pinaggagawa ng tatay niya sa kanya, pati na sa nanay at kapatid niya noon, kinasuhan na nila ito ng pang-aabuso o Republic Act 9262: The Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 noong November, 2015.

Hanggang ngayon ay dinidinig pa rin ang kaso at ito ang dahilan kaya kung minsan ay nagpapaalam si Angeli sa kanyang trabaho para um-attend sa court hearing.

“Until now, ongoing pa rin ang kaso dahil yung dad ko, naging pangatlong milyonaryo sa Saipan and mahirap siya kalabanin.

“Nakatira siya sa isang place na kung saan nakatira ang mga pinakamataas na government officials. Pero kapag umuwi siya sa Pilipinas, aarestuhin siya,” pahayag ni Angeli na talagang namang pang-“Maalaala Mo Kaya” o “Magpakailanman” ang life story.

https://bandera.inquirer.net/298056/angeli-khang-may-hamon-kay-xian-gaza-hindi-ako-marites-pero

https://bandera.inquirer.net/304582/silip-sa-apoy-actress-angeli-khang-sinasaktan-noon-ng-amang-koreano-pumapasok-ako-sa-school-na-may-pasa-sa-mukha
https://bandera.inquirer.net/311805/angeli-khang-box-office-queen-ng-vivamax-classic-movie-nina-tito-vic-joey-iri-remake-nina-mikoy-mccoy-at-jerald

Read more...