BINALIKAN ng Multimedia Star na si Toni Gonzaga ang kanyang mga pinagdaanan sa mga nagdaang buwan ng pangangampanya.
Matatandaang nitong mga nakalipas na buwan ay inulan ng mga kaliwa’t kanang batikos ang singer-actress matapos niyang magpahayag ng pagsuporta kay Bongbong Marcos ngayong 2022 elections.
Sa latest Instagram post ni Toni ay ibinahagi niya ang kanyang mga larawan kuha sa mga nagdaang UniTeam rally na kanyang pinuntahan.
Sa kabila ng naparaming bashing na natanggap ay pinanindigan nito ang kanyang desisyon na suportahan ang alam niyang tama para sa kanya.
“In the end… Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up… alone,” saad ni Toni sa kanyang caption.
Inulan naman ng komento ng pagsuporta ang naturang post ng nakatatandang kapatid ni Alex mula sa kanyang mga kaibigan sa industriya.
“Bilib na bilib kami sayo. Mas lalo kami humanga sayo. YOU ARE ONE OF A KIND!!!! Congratulations!” comment ng dating “Pinoy Big Brother” co-host at malapit na kaibigang si Mariel Rodriguez-Padilla.
Saad naman ni Karla Estrada, “You won’t stand alone! Never!”
“We are right behind you, 31 million of us!” sey naman ni Jerika Ejercito.
Nag-comment rin sina Daryl Ong, Bugoy Drilon, Rodjun Cruz, at Michelle Dy.
Hindi naman nagpahuli ang fans ni Toni sa pagpuri sa kanya sa pagiging matapang sa kabila ng hindi magagandang salitang natanggap.
“Ang sino mang binababa ng kahit sino ay siyang tinataas ng Diyos,” sabi ng isang netizen.
Sey naman ng isa sa kanyang fan, “I admire your humility and strength when everyone around was quick to judge and cancel you. You remained gracious and loving while fighting for what you think was right. You never used your tongue and influence to fight back. What a great model of self-control you have Ms. Toni. You inspire us to be better and bigger than the people trying to pull us down. God bless you more and more our UNBOTHERED QUEEN.”
May ilang netizens rin na nagpaalala kay Toni na hindi natatapos ang kanyang responsibilidad sa pinaniniwalang kandidato.
“You’re right @celestinegonzaga, However, it is also somehow a great responsibility on your shoulder to ensure that the one you stood for will keep his word until the very end.” saad ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “SANA TAMA KA TONI! Sana right choice din for your fellow countrymen. Not just for you and your family.”
Related Chika:
Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!
Toni Gonzaga nagbunyi sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos: Congrats Ninong!
Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin