AMINADO ang aktor na si Jake Ejercito na bagamat salungat ang lumalabas na partial at unofficial results tally ng botohan sa kanyang inaasahan ay naniniwala siya na may magandang naging epekto ang kanyang pagtindig.
Sa kanyang social media accounts ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.
“The true winner is bigger than anyone who participated in the political exercise. More than anything, I see it as years of manipulation and vast disinformation prevailing,” saad ni Jake.
Sa kabila nito ay nirerespeto naman ng aktor ang resulta ng eleksyon.
“I will respect the results for that’s how democracy works. And I would be more than happy to be proven wrong about my fears,” pagpapatuloy ni Jake.
Aniya, ang kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang naging rason para mamulat ang mga tao at manindigan sa king ano ang dapat at tama at labis niya itong ipinagpapasalamat sa dalawa.
“The movement your candidacies sparked is indeed unlike any other country has seen ane that is already a victory in itself. Hindi man nakuha ang pinangarap na resulta, walang pagsisisi sa pakikipaglaban,” pagpapatuloy ni Jake.
Bukod rito, nagbigay mensahe rin ang aktor sa kanyang kapwa “kakampinks”.
There’s more work to be done— para pa rin sa lahat 🇵🇭
— Jake Ejercito (@unoemilio) May 10, 2022
“Sa lahat ng tumindig, weep if you must. But be proud and not disheartened. Marahil ay kinapos tayo o hindi pa talaga handa ang karamihan, pero nanalo pa rin tayo. Hindi sa balita, kung hindi sa natuklasan at nararamdaman nating pag-asa. Wag natin sayangin,” dagdag ni Jake.
Aminado rin siya na marami pang dapat gawin at para pa rin ito sa lahat ng mamamayan at sa bansang Pilipinas.
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naging post ng aktor.
“Proud of this guy. Isa sa mga nag-shine during the campaign period. Very humble and true,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Very well said, Jake! God bless you, stay grounded, stay focused!”
Related Chika:
John Arcilla binantaan ng netizen dahil sa Probinsyano: Relax ka lang, chill-chill lang po
Jake Ejercito lantaran ang suporta kay VP Leni Robredo