PINUTAKTI ng mga maaanghang at negatibong komento si Frankie Pangilinan matapos maki-join sa mga kabataang sumugod sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).
Nakiisa ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa mga nag-rally sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Manila para iprotesta ang resulta ng botohan para sa katatapos lang na May 9 election.
Kahapon ng umaga, nag-viral ang video ng dalaga sa social media kung saan inirereklamo nito ang pangunguna ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa partial and official tally ng 2022 election results.
Ang tatay ni Frankie na si Sen. Kiko ay pumapangalawa lamang kay Sara Duterte sa vice presidential race sa nagaganap na canvassing of votes.
Matapang na pahayag ni Frankie, “Sabi ng iba, we have to accept defeat daw. Na hindi raw tayo marunong matalo. I think that the truth is it’s not about the election anymore, e.
“I think that the data shows clearly that this election was bought a long, long time ago. And that’s something that we will not take sitting down, ‘no?
“I am not going to have my president be named Ferdinand Marcos again, ever. I think it’s that simple,” sabi pa ng dalaga.
“My siblings are here, too. I brought them—my baby sister, my baby brother (Frankie at Miguel) and they’re young and we all know. We all know what’s right and wrong.
“I think it’s very, very simple what we have to do. If we’re not going to stand up, if we’re not going to fight, e, di ano pang ginagawa natin dito sa Pinas? Mahal natin ang Pilipinas, e.
“I think at the core of it, that’s really just it,” diin pa niya.
In fairness, marami namang sumang-ayon sa ipinaglalaban ng anak ni Mega pero may mga nagpayo rin na tanggapin na lang nila ang boses ng nakararami.
Narito ang mga komento ng ilan sa BANDERA readers and Facebook followers kung saan pati ang make-up ni Frankie sa rally ay inokray at pinagtawanan.
“Move on na po kayo tanggapin nyo nlng po ng maluwag sa inyong mga puso na mas marami kaming nagmamahal kay BBM at naniniwla kmi sa kakayahan nya para sa bansa ntin.”
“You can’t accept that your dad didn’t get a lot of votes? Kiddo your dad is not likable at all! Did you even see the numbers??? People loves S.D.”
“Accept it! Your dad lost the election! Better luck next time! Peace out.”
“Dilaw, Pink, Asul, Berde at Pula. Tapos na po ang Eleksyon. Kaloob po ng Diyos yung Panalo ni BBM at SARAH. Ipag pray na lang natin na Gumanda at Umunlad ang ating Bayan.Mag kaisa na po tayo. Mahalin natin ang Pilipinas.”
“What can’t you understand? THAT THE MAJORITY OF FILIPINOS DON’T LIKE LENI AND KIKO? That Filipinos can’t be swayed by your propaganda of hate and destruction?!! The people have spoken. Show some Respect! Something your group never had from the start! YOU LOST!! The people’s choice WON!!”
“It’s good that you stand for what you believed in. But please give chance to the leaders voted by the majority… Respect is earned, not imposed. Never think that you are better than the 30M+ people who voted for the person you are so against. #Giveloveandyou’llbeloved.”
“Oh my goodness, kung totoong may mga pinag-aralan kayo matuto kayong tumanggap ng pagkatalo, milyon na ang lamang, dinaya pa rin kayo, move on na makipagtulungan na lng kayo kung sino ang ibinoto ng nakakarami upang umunlad naman ang ating bansa.”
“Igalang nyo ang desisyon ng taong bayan, wala p nga sa kalahati ang boto ng Dyos nyo na si leni, lalo nman ang tatay mo n c kiko iyak, konti lng bumuto, tapos naghahabol kau na kau ang uupo sa palasyo.. hoyyy mag isip kau, tigilan nyo din ang pag lason sa isip ng mga kabataan, kung hindi kau mka move on sa ibang bansa kau tumira, irespeto nyo ang gusto ng taong bayan.”
“If you are reading this right now, May God heal your wounded heart, remove your pain, stress, depression, anxiety, worries and problems. And, He may replace them with good health, everlasting happiness and peace.”
May ilang bashers naman ang nang-okray sa makeup ni Frankie sa rally. Sabi ng isang netizen, “Atimana ang eyeshadow nimu frankie.”
“Talagang nag effort muna sa make up gorl bago umawra sa rally? Sana makatulong ang eye shadow sa ipinaglalaban nyo.”
“Gandara ng eye make up. Sige laban lang kakie. Kung sa tingin mo dinaya ang si Leni at ang father mo tuloy ang reklamo sa comelec.”
https://bandera.inquirer.net/294601/sharon-inakusahang-mas-paborito-si-frankie-kesa-kay-kc-may-pamatay-na-resbak-sa-bashers
https://bandera.inquirer.net/288164/frankie-nilait-lait-ng-basher-nakakapagod-na-po-minsan-pa-nga-nakakasira-ng-araw-o-buong-linggo
https://bandera.inquirer.net/300709/sharon-emosyonal-sa-b-day-message-kay-frankie-i-feel-so-privileged-to-have-been-chosen-by-god-to-be-your-mother