Totoo bang hindi suportado ni Kylie ang pagsabak ni Robin sa politika?

Robin Padilla at Kylie Padilla

MAY nabasa kami na hindi raw sinusuportahan ni Kylie Padilla ang amang si Robin Padilla sa kandidatura nito sa pagka-senador.

Hindi rin masisisi ang mga netizen na mag-isip ng ganito dahil nga walang post si Kylie sa kanyang social media accounts na suportado niya ang ama. Puro tungkol sa trabaho ang na-post sa kanyang Instagram account.

Naging abala kasi ang aktres sa teleseryeng pagbibidahan niya lalo’t lock-in shoot sila kaya siyempre sa taping ang konsentrasyon niya bukod pa sa mga anak na mahigit isang buwang hindi nakita.

Pero bago maghatinggabi nitong Martes ay nag-post si Kylie ng larawan nilang dalawa ni Robin at sinabing isa siyang silent supporter.

Ang caption ng aktres, “I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased.

“I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo. And all I can say I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart.

“You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you,” pahayag ng aktres.


Pagpapatuloy pa niya, “But If I was to speak as his daughter all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang Pilipinas, mahal n’ya ang mga tao.

“Parte ng pagkatao n’yang tumulong. He has always been selfless pag dating sa mga taong nangangailangan.

“If there is one thing I can attest to my father did not need to become senator to help make change happen. He was already doing that before all of this.

“Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla,” ang mensahe pa niya sa ama.

As of this writing ay almost 90,000 na ang nag-like sa post na ito ni Kylie at mahigit 1,000 naman ang mga nagkomento.

Mula sa netizen na si @joshua_jbk, “I voted for your dad, he loves our country and I believe he will be a good senator  (clapping hands emoji).”

Say ni @graceagonias, “Congrats our new Senator. You deserve it.”

Mula naman sa kapatid na Muslim na si @erfaiza, “Alhamdulillah. Congratulation to your tatay.

Ibinoto raw ni @esorynel14 ang aktor, “Congratulations po sa papa mo..isa po ako sa milyong bumoto sa kanya because he was very sincere and genuine sa kanyang intensyon sa Pilipinas.”

Say din ni @wencybeethoven, “He deserves everything the love and support God bless you guys.”

Tulad ni Kylie ay nanood din si @pokahariku, “I only saw 1 of his interviews and yeah with that particular convo with Karen (Davila),  I already listed him as my number 1 senator. All I can see is his oozing passion, wisdom and clamor for change. Congrats to your dad and we hope his platforms will be realized.”

Samantala, nananatiling nasa number 1 position si Robin sa bilangan at hindi pa ito natatapos kaya hindi pa napo-proclaim ang nanalong 12 bagong senador.

https://bandera.inquirer.net/312650/iglesia-ni-cristo-suportado-ang-kandidatura-ni-mark-villar

https://bandera.inquirer.net/297920/hiwalayang-alodia-wil-nabasa-ni-ashley-gosiengfiao-sa-tarot-cards

https://bandera.inquirer.net/282888/napatawad-na-nga-ba-ni-bimby-ang-amang-si-james-yap

Read more...