“IPAGPATULOY natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa’t isa!” Yan ang panawagan ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa lahat ng mga kapwa Kakampinks.
Ayon sa host ng “Pinoy Big Brother”, isang karangalan daw ang makasama sa pagtindig ang mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo na pumapangalawa ngayon sa presidential race.
Nangunguna pa rin sa bilangan ng boto sa pagkapresidente si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at ang kanyang running mate na si Sara Duterte na number one naman sa vice presidential race.
“Ang demokrasya. Kaya’t patuloy nating protektahan at pahalagahan ang ating kalayaan na pinaglaban ng mga nauna sa atin, ‘wag natin balewalain,” simulang post ni Bianca sa Twitter.
Ipinagdiinan ni Bianca na hindi pa ito katapusan ng laban dahil simula pa lang ito ng kanilang pakikibaka para sa pagkakaroon ng maayos at maunlad na bansa.
“Lahat tayo mahal ang ating bansa, kaya sa abot ng ating makakaya, ipagpatuloy natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa’t isa.
“Di ko alam kung paano, kung gaano katagal, at oo nakakapanghina ng loob, pero kung sama-sama tayo, we stand a chance.
“Kailangan natin labanan para sa mga susunod na henerasyon,” pahayag pa ng TV host.
* * *
Nilapatan ng bagong lyrics ang kantang “Rosas” na siyang naging campaign anthem ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng ginaganap na bilangan matapos ang May 9 elections.
Ibinahagi ng singer at composer ng kanta na si Nica del Rosario ang mga binago niyang linya sa Twitter kahapon, May 10 matapos ngang mag-viral ang partial, unofficial results ng botohan kung saan nangunguna si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Narito ang bagong lyrics ng “Rosas.”
“Huwag kang manghinayang
“Hindi tayo nabigo
“Tibayan ang iyong loob
“At kahit may dilim na umaaligid
“Ang liwanag sa puso’y ‘di pasisiil
“Namulat sa pag-asa, sa pag-ibig
“Hindi na muling pipikit…”
Ang mga nasabing linya ay mula sa naging mensahe ni Robredo last Tuesday kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng Kakampinks na sumama at sumuporta sa kanyang laban.
Ang nag-compose ng “Rosas” ay siya ring nasa likod ng hit song na “Tala” at “Na Na Na.”
https://bandera.inquirer.net/311801/bianca-inuurot-na-magsalita-laban-kay-toni-pero-di-bumigay-hindi-lang-sabay-sabay-kundi-sama-sama-tayong-aangat
https://bandera.inquirer.net/313067/angel-sa-kakampinks-huwag-kang-manghina-dahil-ibinigay-natin-ang-lahat-itinaya-ang-pangalan-at-oras
https://bandera.inquirer.net/308121/xian-gaza-nag-react-sa-viral-post-ni-valentine-rosales-just-a-black-propaganda