CHARLENE feel na feel magpasilip ng boobs at makikinis na legs | Bandera

CHARLENE feel na feel magpasilip ng boobs at makikinis na legs

Julie Bonifacio - September 22, 2013 - 03:00 AM


NAPAKASEKSI ni Charlene Gonzales sa suot niyang black cocktail dress sa The Buzz last Sunday. Halos umabot na sa pusod ang cleavage at nasa-sight na ang kanyang dibdib. At ang slit naman on both sides ng dress ay sobrang taas, huh!

Si Rajo Laurel daw ang gumawa ng dress ni Charlene last Sunday. Pwedeng-pwede pa talagang makipagsabayan ang TV host sa mga batang artista ngayon when it comes to fashion at ang seksi-seksi pa rin ng misis ni Aga Muhlach.

“Oh, thank you,” kasunod ang tawa ni Charlene when we went to her dressing room sa The Buzz. “Hangga’t  kaya pa (magsuot ng ganoong klaseng dress at magpakita ng konting skin).”

Inusisa namin si Charlene kung ano bakit nakita sa show ni Ellen Degeneres sa US si Aga. “Pinadala siya doon ng TV5 para sa bagong show na gagawin sa kanila.

Hindi ko pa pwedeng sabihin kung ano’ng klaseng show ’yun pero malapit na. ’Yung Pinoy Explorer tuluy-tuloy pa rin. This is the second show that Aga  will be doing. Hindi ko pa masabi ‘yung buong details, e,” umpisa ni Charlene.

Binubuo pa raw ang detalye ng bagong show ni Aga but it’s an American franchise show according to Charlene. Pinadala si Aga sa Warner Bros. studio sa US  para kausapin ang staff, director and host ng kaparehas na show na gagawin niya dito sa Pinas.

“Nag-meeting siya with the people in Warner. Tapos umikot din siya sa iba’t bang areas and they asked him if he wants to watch Ellen?  Pumayag naman siya.

And nagkataon, pumunta doon si Aga nag-perform ’yung mag-pinsan na Pinoy. Nagkataon lang talaga at hindi sinasadya,” kwento ni Charlene.

Ang tinutukoy ni Charlene na magpinsang Pinoy ay ang YouTube sensations na sina Aldrich Talonding and James Bucong. Sinabi ni Ellen sa show niya na umabot na sa 4 million ang nag-view sa kanila sa YouTube.

“Sabi ni Aga sa akin, ‘By (short for baby), I’m watching Ellen. Sabi ko naman, ‘Wow! Bongga ka. Inggit ako!’ Ha-hahaha! Nagpadala siya Ng picture. Pinost ko nga agad, e,” tsika pa ni Charlene.

Tutok na ngayon sa kanilang career ang mag-asawa at tila kinalimutan na ang bangungot na sinapit nila sa politika. Pero ayaw magsalita ng tapos si Charlene na tuluyan nang tatalikuran ni Aga ang politika.

“Marami pa siyang gustong gawin. We never know where life brings us ‘di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending