NAG-USAP pala nang lalaki-sa-lalaki ang hunk actor na si Derek Ramsay at ang award-winning celebrity at Kapuso star na si John Lloyd Cruz.
Ito’y may kinalaman sa anak ni Lloydie at ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.
Ayon kay Derek, maayos naman ang pakikitungo ni John Llyod sa kanya at malinaw din ang co-parenting agreement ng aktor sa asawa niyang si Ellen para kay Elias.
“We communicate. We’ve had our man to man talk and he knows how much I respect he’s the father of Elias and I told him that myself,” pahayag ni Derek sa interview ni Nelson Canlas para sa kanyang digital show na “Updated.”
Pagpapatuloy pa ng mister ni Ellen, “He sees naman din also how much I love Elias like he’s my own so there’s respect there. Wala kaming problema on that side.”
At kapag nagkikita naman daw sila ni Lloydie sa mga showbiz gathering o sa kahit anong events ay nagbabatian naman sila.
“He picks up Elias here (sa bahay nila ni Ellen) so when he’s here and I’m here, I go out to greet him when he comes to pick up Elias or whether he drops Elias here at the house.
“So numerous times na. If I’m here and he’s there, we always greet back at one another,” dagdag pang chika ng aktor.
Sabi naman ni Ellen, hindi pa siya nabibigyan ng chance na makilala nang personal ang nanay ng anak ni Derek na si Austin dahil nga sa ibang bansa na ito naninirahan.
Ikinasal sina Derek at Ellen noong November, 2021, makaraan lamang ang isang buwan nang aminin nila ang tungkol sa kanilang relasyon.
Nitong nagdaang buwan, sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ellen, todo ang pasasalamat ni Derek sa kanyang asawa.
Sa isang IG post sinabi ng aktor na, “I can’t imagine a life without you and Elias.”
https://bandera.inquirer.net/287211/derek-hindi-inaagaw-si-elias-kay-john-lloyd-mabuti-siyang-tatay-at-wala-kaming-isyu
https://bandera.inquirer.net/287146/john-lloyd-ellen-derek-nag-celebrate-para-sa-3rd-b-day-ni-elias
https://bandera.inquirer.net/299909/derek-mas-bumongga-ang-buhay-dahil-kina-ellen-at-elias-its-perfect-i-love-you-baby