NANGUNGUNA ang UniTeam tandem nina dating senador Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte sa ginaganap na bilangan ngayon para sa presidential at vice presidential candidates.
Halos nasa 57.76% na ang mga botong nabibilang as of 8:47 p.m., matapos ang naganap na eleksyon ngayong araw, May 9, 2022, sa buong Pilipinas.
Base sa partial and unofficial results ng bilangan, lagpas sa kalahati ang lamang nina Bongbong at Sara sa mahigpit nilang mga kalaban.
Habang pumapalo na sa mahigit 19 million votes ang nakuha ni BBM, nasa 9 million naman ang botong nahahamig ng nasa second spot na si Vice President Leni Robredo.
More than 18.5 million votes na ang nakukuha ni Duterte as of 8:47 p.m. habang nasa lagpas 5 million naman ang boto nina Kiko Pangilinan at Tito Sotto.
Samantala, nasa number one spot naman sa senatorial race ang action star na si Robin Padilla at pumapangalawa si Loren Legarda, na kapwa nakakuha ng mahigit 15 milyong boto.
Pasok din sa Top 12 din sina Raffy Tulfo, Win Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Joel Villanueva, Migz Zubiri, Risa Hontiveros, JV Ejercito, at Jinggoy Estrada.
https://bandera.inquirer.net/312397/sharon-binalikan-ang-naging-relasyon-sa-pamilya-marcos-si-bbm-hindi-ko-siya-iniwan-he-was-my-friend
https://bandera.inquirer.net/312232/miss-universe-ph-2022-candidates-celeste-cortesi-michelle-dee-pauline-amelinckx-nanguna-sa-international-publications-list
https://bandera.inquirer.net/294723/duterte-pabigat-sa-kandidatura-ni-mayor-sara