PINAGPIPIYESTAHAN ngayon sa social media ang umano’y pagtatangka ng senatorial candidate na si Harry Roque na makasingit sa pila para agad na makaboto.
Isang litrato ng dating public official ang ni-repost ng veteran singer-actor na si Audie Gemora sa kanyang Twitter account kung saan makikita itong nasa loob ng isang voting precinct.
Ang nakasulat sa nasabing litrato ay, “Alex Lacson seated in pink. 45 mins na namin kasabay waiting in line to vote.
“Harry Roque just arrived and tried to head straight to the front of the line to vote. Good thing the officials didn’t let him.”
Isang maikling “Baklang toh!” naman ang inilagay na caption ni Audie Gemora sa nasabing tweet pic.
Sunud-sunod naman ang maaanghang at masasakit na salita ang ibinato ng mga netizens laban kay Harry Roque pero may ilan ding nagtanggol sa dating spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Done voting!
Marami pong salamat sa ating mga guro dito sa White Plains, Quezon City. pic.twitter.com/tfrLh1ZeWr
— Harry Roque (@attyharryroque) May 9, 2022
Samantala, tinawag naman ng senatorial candidate na fake news ang balitang tinangka niyang sumingit sa pila para makaboto agad.
Narito ang sunud-sunod na tweet ni Harry Roque, “Walang walk-out. Hindi pa po kami bumoboto. Sa mga nagpapakalat po ng balita na kami ay tumalon sa pila sa botohan, fake news po kayo.
“Nagpunta po kami kanina at nag inquire sa aming presinto at sinabi naman sa amin pero dahil sa haba ng pila, sabi namin babalik na lang kami.
“Hindi po totoo ang ikinakalat na balita. Nakakalungkot na hanggang halalalan tuloy ang paninira sa akin.
“Ako po pumunta sa presinto bilang isang ordinaryong mamayan hindi po kandidato.
“Nagtanong lang po ako ng aking presinto. Malakas lang po ang aking boses. Hindi po ako galit,” paglilinaw ni Roque.
Nag-post din siya ng litrato kung saan makikita ang pagpila niya sa presinto, “Kasalukuyan po tayong naka pila dito sa White Plains, Quezon City kasama ang aking asawa na si Mylah at ang aking kapatid na si Paul.
“Hindi po tayo tumalon sa pila. Maraming salamat John sa litratong ito!” sabi pa ni Roque.
https://bandera.inquirer.net/292745/angel-ogie-pinuna-ang-naging-asal-ni-harry-roque-sa-viral-video
https://bandera.inquirer.net/292863/bwelta-ni-angel-kay-roque-bakit-niya-sinermunan-ang-mga-medical-workers
https://bandera.inquirer.net/291394/robi-muling-nanawagan-sa-kabataan-na-magparehistro-at-bumoto-challenge-the-system