MATAPOS pumila ng dalawang oras, nakaboto na rin sa wakas ang presidential candidate na si Leni Robredo.
Talagang naghintay at pumila nang bonggang-bongga si Vice President Leni bago nakaboto sa Carangcang Elementary School sa Magarao, Camarines Sur.
Sa panayam sa kanya pagkalabas ng voting precinct, natanong ang bise presidente kung ano ang reaksyon niya sa mga balita tungkol sa pagkasira umano ng mga vote-counting machines at iba pang election-related problems.
“Nakakabahala ‘yung mga reports all over the country ngayon. Pinakaayaw nating mangyari na mayurakan ‘yung integridad at linis ng eleksyon na ‘to, kasi doon magsisimula ‘yung gulo. Sana kung merong mga nagpaplano, ‘wag ituloy,” pahayag ni VP Leni.
Aniya, kailangang maging maagap ang gobyerno ang mga otoridad lalo na ang Commission on Elections sa pagresolba sa mga nabanggit na sitwasyon dahil nakadepende rito ang tiwala ng mga tao sa gobyerno.
“Huwag matakot. Marami tayong magtutulungan. Kailangan lang ma-document natin lahat,” sabi pa ni VP Leni.
Samantala, nakaboto na rin si Aksyon Demokratiko standard-bearer Isko Moreno Domagoso kanina sa isang public school sa Tondo.
Bandang 11 a.m. dumating ang actor-politician sa Magat Salamat Elementary School at makalipas lamang ang ilang minuto ay natapos na niyang sagutan ang kanyang balota.
Marami naman ang kumuwestiyon kay Isko dahil wala raw itong suot na face mask habang bumoboto at malinaw daw na lumabag ito sa health protocols na ipinatutupad ng Comelec.
Wala pang pahayag ang alkalde ng Maynila tungkol dito pero may ilang netizens ang nagtanggol sa presidential aspirant at nagsabing tinanggal lang daw ni Isko ang kanyang face mask sa loob ng presinto.
Samantala, 11:30 naman ng umaga bumotp ang isa pang presidential candidate na Sen. Manny Pacquiao sa hometown nila ng asawang si Jinkee Pacquiao.
Nagsigawan ang kanyang supporters nang dumating ang senador at Pambansang Kamao sa Kiamba Central Elementary School sa Kiamba City.
Itinanggi naman ng boxing champ na sumingit siya sa pila kaya agad daw nakaboto. Wala rin daw siyang inutusang staff na pumila para sa kanya.
https://bandera.inquirer.net/294599/kuya-kim-sa-pag-alis-sa-abs-cbn-at-paglipat-sa-gma-malungkot-na-masaya-mabigat-na-excited
https://bandera.inquirer.net/294780/bine-baby-hugot-post-ni-kc-patutsada-nga-ba-kay-mega
https://bandera.inquirer.net/300867/zeinab-harake-alex-gonzaga-niregaluhan-ng-p160k-ang-isang-elementary-teacher