Kathryn, Regine, Ogie, Jolens, Maris, Francine, Jasmine ibinandera ang ‘resibo’ matapos bumoto

Mariel Rodriguez, Mark Escueta, Jolina Magdangal, Kathryn Bernardo, Min at Kaye Bernardo

BAGO sumapit ang tanghalian, mas dumami pa ang mga artistang sumugod sa kani-kanilang mga presinto para makaboto ngayong araw ng elekayon.

Kasama ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo ang kanyang inang si Mommy Min at kapatid na si Kaye nang magtungo sa kanilang voting precinct at sabay-sabay na bumoto.

Naglaan din ng oras ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta para i-exercise ang kanilang karapatang bumoto ngayong halalan.

Ipinost ni Jolens sa Instagram ang litrato nila ng kanyang mister na may caption na, “Dear Pele and Vika…

“May 9, 2022, ito ang aming resibo na kami ni Papa ay tumindig, pinaglaban at pinanindigan ang inyong magandang kinabukasan.

Ang lagi naming dasal, kayo ay maging mabuting tao, matapang na ipaglaban ang inyong karapatan, at laging may empathy at compassion sa kapwa.

“Nagmamahal, Mama and Papa. May God Bless the Philippines!”

Ito naman ang mensahe ni Jasmine Curtis matapos bumoto, “Done and dusted. Basta ako, I #VoteForChildren. Take care today, spread the love, be involved in anyway you can in our communities. Whether loud and big or small and quietly.


“Stop the hate. End the bullying. Educate, discuss, debate. Love. Yun lang po! Happy Monday.”
Ibinahagi naman ni Mariel Rodriguez-Padilla ang kanyang IG photo kung saan makikita ang daliring may indelible ink, “I voted!!!! Woke up at 5:15am showered at 5:20… arrived at 5:58. Lined up.

“Finished voting at 7am!!!! I AM SO PROUD OF YOU @robinhoodpadilla i was so emotional while shading #49.  mahal na mahal kita ROBIN PADILLA!!!!

“A reminder to all… paalala po paki check yung receipt bago niyo ihulog sa box kung tama ba ang pangalan na lumabas sa mga binoto niyo. Praise God yung sakin tama. Very important to check.”

Nakaboto na rin ang young actress na si Maris Racal, “6 am club! As a first time voter, grabe yung kaba ko. Shade properly and double check your receipts! Vote wisely.”


Hindi rin nagpahuli si Francine Diaz na first time namang makikibahagi sa eleksyon, “Ang awit para sa’ting bayan, awitin natin ngayon.


“Kung ano man ang maging desisyon at gawin natin ngayon ay ang hinaharap ng kinabukasan.

“Tayong kabataan ang pag-asa ng bayan, pumili tayo ng leader na may malasakit sa lahat ng pilipino, yung may pagmamahal sa bawat tao, hindi umaatras sa anumang laban, hindi sa una lang magaling, may pagmamahal sa bayan.

“Sa gobyernong tapat makakapasok sa iskul lahat. Ngayon na ang ating panahon. Ipanalo natin ‘to,” matapang na paalala pa ni Francine.

Sa Instagram din ipinaalam nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na tapos na rin silang bumoto.

https://bandera.inquirer.net/312970/jodi-halos-mapaiyak-matapos-bumoto-heart-6-a-m-pa-lang-nakaboto-na-kasama-si-chiz

https://bandera.inquirer.net/305285/angel-pinaratangan-nang-manawagan-sa-wais-na-pagboto-huwag-nyong-bolahin-ang-mga-tao

https://bandera.inquirer.net/300473/bakit-nagtatakbo-si-coco-habang-kumakanta-si-sharon-at-iba-pang-cast-ng-ang-probinsyano

Read more...