RENZ tatalbugan ang kamachuhan ni ALJUR, umaasang sisikat na sa GMA 7

Kahit mayaman at sikat na, premyadong aktor kabit pa rin ng mayamang gay TV executive KILALA naming hagikhik din si Lorna Tolentino (madaling mapatawa, in short), pero mas nakilala ng showbiz ang kakaibang sense of humor ng yumaong asawa nitong si Rudy Fernandez.

Yun ang nakita namin ng bonggang-bongga na namana ni Renz Fernandez na nasa GMA 7 na pala ngayon at isa nga sa mga bida ng seryeng Prinsesa Ng Buhay Ko sa Afternoon Prime, kapalit ng Binoy Henyo na magtatapos na ngayong Friday.

Kuwelang kausap ang binata nina LT at Daboy lalo pa’t sa bawat tanong mo sa kanya ay kinakarir niya ang pagsagot ng seryoso and yet matatawa ka sa manner ng pagpapaliwanag niya. Ha-hahaha!

Karakter din ang lolo n’yo! Yun bang even without trying to be funny, matatawa ka sa mga reactions at gestures niya, much more with matching serious na face.

Naloka nga kami sa tsika niyang sa loob ng dalawang taon ng pagkakakontrata niya dati sa ABS-CBN ay kinarir daw niya ang pag-sustain ng kanyang look (buhok at timbang) sa kaisa-isang serye na ginawa niya na inabot nga raw ng halos isang taon bago naipalabas.

With our dear friend-kumare Malou Choa-Fagar as his manager, umaasa si Renz na matutupad na  ang dream niyang masabayan ang pagiging hunk ni Aljur Abrenica na siyang makakaagaw niya sa atensiyon ni Kris Bernal sa kuwento ng Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Kahit doon man lang ay makasabay ako,” ang tila seryoso nitong tsika sa amin. Nakapagtataka nga lang talaga na ang isang binatang gaya niya na guwapo at may magandang sense of humor ay hirap makatagpo ng long-time na karelasyon?

“Baka kasi hindi nila ako masakyan ano po?” hirit nito sa amin, sabay tanong kung ano raw ang name namin dahil kinakarir nga rin ng binata ang paglilista sa kanyang cellphone ng mga nakakausap niyang reporters. Ha-hahaha! Cute, di ba?

( Photo credit to Google )

Read more...