BBM-Sara miting de avance sinugod din ng mga sikat na celebs; Robin napamura nang manawagan sa mga botante

Robin Padilla, Bongbong Marcos at Toni Gonzaga

TALAGANG nahati nang bonggang-bongga ang mundo ng entertainment industry ngayong panahon ng eleksyon.

Nagpatalbugan sa huling araw ng kampanya ang iba’t ibang partido para sa kani-kanilang miting de avance na nagmistula ring libreng pa-concert sa dami ng mga nag-perform na artista.

Pero tulad ng inaasahan, kabugan kung kabugan ang naging laban sa paramihan ng celebrities sa miting de avance kagabi ng UniTeam nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte at ng Team Kakampink nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.

Unahin na natin ang naganap na huling hirit sa pangangampanya ng UniTeam sa harap ng Solaire Resort & Casino Manila sa Parañaque City kung saan nagsilbing hosts sina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

In fairness, talagang dinumog ng mga loyalista at tagasuporta ng pamilya Marcos at Duterte ang UniTeam rally na karamihan ay galing pa sa iba’t ibang probinsya tulad ng Cavite, Laguna at Pampanga.

Bukod kina Ai Ai at Bayani na siya ring nagpakilala sa mga nasa senatorial lineup ng Team BBM-Sara, naroon din ang TV host-actress na si Toni Gonzaga na wala pa ring paki sa mga tumutigsa sa kanya dahil sa pagiging Marcos supporter.

Ilan pa sa mga kilalang celebrities na nagpasaya at nag-entertain ng audience sa nasabing miting de avance ay sina Pops Fernandez, Geneva Cruz, Bugoy Drilon, DJ Loonyo, Katrina Velarde, Richard Reynoso, Renz Verano, Andrew E at marami pang iba.

Sa kanyang Facebook post, todo ang pasasalamat ng tagapagsalita ng UniTeam na si Atty. Vic Rodriguez sa mga dumalo sa huli nilang campaign rally.

“Sa pagtatapos ng kampanya, ipagpatuloy po natin ang naumpisahang kilusan ng pagkakaisa na inilunsad ng BBM-SARA UniTeam.

“Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, lumahok at sumama sa paglalakbay tungo sa mas maganda, maunlad at mapayapang bukas na may dalang tunay na pagkakaisa,” mensahe pa niya.


Samantala, isa sa mga senatorial candidate na nagsalita sa rally ay ang aktor na si Robin Padilla na napamura pa nang manawagan sa publiko na huwag matulog at bantayan ang kanilang mga boto.

“Kanina ho, artista tayo, ngayon, rebolusyonaryo na ho tayo. Mga mahal kong kababayan, kitang-kita na po natin na panalong-panalo na si Bongbong Marcos at si Inday Sara Duterte.

“Sa lahat ho ng lupalop sa Pilipinas na pinuntahan namin, ang lahat ng tao, ang isinisigaw, BBM-Duterte! Ngayon, mga kababayan, hahayaan po ba natin na mangyari sa atin ang 2016?

“Walang tulugan ito! Mga kababayan, tama na ang pakikialam ng mga dayuhan! Sa pagkakataong ito, tumindig tayo bilang mga Pilipino!

“Huwag tayong pumayag na madaya si Bongbong! Walang tulugan! Walang tulugan! Walang tulugan!

“Tandaan niyo, noong 2016, natulog lang tayo, put*ng i*a! Hindi na puwede iyan! Ngayon, babantayan na natin ang boto!” ang matapang na pahayag ni Robin kasunod ang malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience.

Siguradong ang tintutukoy ni Robin ay ang alegasyong dinaya umano si Bongbong noong 2016 elections kaya si Leni Robredo ang nagwaging vice president.

https://bandera.inquirer.net/305688/mariel-rodriguez-ibinuko-ang-sikreto-nila-ni-robin-padilla

https://bandera.inquirer.net/290083/willie-revillame-tuloy-na-sa-pagtakbong-senador-sa-2022-nagpapagawa-ng-mga-materyal-para-sa-kampanya

https://bandera.inquirer.net/307612/mga-dumalo-sa-uniteam-rally-nawalan-ng-cellphone-wallet-parang-awa-nyo-na-po-pakisauli-na-lang-po

Read more...