ISANG buwan makalipas ang pagbubukas ng kanilang surf school at snack bar sa Siargao, nagbigay ng update si Andi Eigenmann sa madlang pipol tungkol sa pagsisimula ng kanilang negosyo sa isla.
Dream come true para kay Andi at sa kanyang fiancé na si Philmar Alipayo ang nasimulan nilang business sa nasabing probinsya na matagal din nilang pinagplanuhan.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres at celebrity mom ng litrato nila ni Philmar na kuha sa loob ng pag-aari nilang Kanaway Surf School na binuksan nga nila last month.
Aniya sa caption, “Both our first business venture, although separate, we’re doin it together!
“Symbolic of how far we’ve come, from constant conversations about our dreams, helping each other and taking steps to achieve them. This is one of them materialized,” ang mensahe pa ni Andi.
Dagdag pa ng anak ni Jaclyn Jose, “Our relationship didn’t go in the same order as most others’ but hey there is no rule book on this, right??”
“Our children, whom we owe all this to, are the very reason why we made it this far,” aniya pa.
Sey pa ni Andi, hindi rin naging madali ang pinagdaanan nila ni Philmar nitong mga nagdaang taon, kabilang na nga riyan ang pagtatayo ng kanilang sariling negosyo sa Siargao.
“This life was and is never just always bathed in sunshine, but I am grateful things happened the way they all did because I wouldn’t have it any other way. I am more than happy to be sharing this with them all,” lahad pa ng celebrity mommy.
Ni-launch nina Andi at Philmar ang Kanaway Surf School at Kanaway Surf Bar last April na dinaluhan at sinuportahan ng kanilang mga kaibigan sa isla.
Noong December, 2020 ibinandera ng dalawa ang kanilang engagement. May dalawa na silang anak sina Lilo at Koa.
Ang panganay ni Andi na si Ellie ay anak naman niya sa dating karelasyon na si Jake Ejercito. Madalas din itong nagbabakasyon sa Siargao kaya nakaka-bonding din niya nang bonggang-bongga ang dalawang kapatid.
https://bandera.inquirer.net/311668/sa-wakas-natupad-na-nina-andi-at-philmar-ang-pangarap-na-surf-school-at-snack-bar-sa-siargao
https://bandera.inquirer.net/306226/pamilya-ni-andi-babalik-na-sa-siargao-theres-just-no-place-like-home
https://bandera.inquirer.net/310127/andi-eigenmann-philmar-alipayo-tutuparin-ang-pangarap-na-magka-surf-school-at-snack-bar-sa-siargao