HINDI naging madali para kay Xian Lim ang paghahanda para sa kauna-unahan niyang teleserye sa GMA 7 kung saan gaganap siya bilang isang lalaking nabuntis dahil sa isang “sumpa.”
Napapanood na ngayon ang “False Positive” sa GMA 7 kung saan first time ring magtatambal sina Xian at Glaiza de Castro at in fairness, talagang inaabangan na ito gabi-gabi ng mga Kapuso viewers.
Inamin ni Xian na inatake siya ng matinding nerbiyos noong una siyang sumalang sa lock-in taping ng kanilang serye dahil ayaw daw niyang magkamali at mapahiya sa buong production.
“To the point na stressed na stressed na ako dahil I don’t wanna let anyone down. But I’m so grateful sa network, sa GMA Network, sa buong Kapuso family that I don’t wanna let them down.
“And I remember gumigising talaga ako nang maaga para lang magtanong, para lang hindi… para lang I don’t wanna cause any delays, I don’t wanna cause any aberya, kumbaga.
“There is that pressure, definitely. Pero tinanggap ko na na mahirap at gagawin ko lang at gagawin ko ang best ko hangga’t sa ma-good take ni direk Irene (Villamor),” sabi pa ng binata.
Kuwento ng aktor, may ilang foreign movies daw siyang pinanood tungkol sa mga lalaking nabubuntis, “I was watching, pinanood ko yung katulad ng film ni Arnold Schwarzenegger (Junior, na ipinalabas noong 1994).
“Maraming ibinigay na films si direk para pag-aralan ko, like a peg or a benchmark for the character. Marami.
“And I was looking through videos on YouTube about pregnancy and yung mga sintomas ng mga pregnant women. So, yes, marami ring research na ginawa,” aniya pa.
Hindi naman daw nagdalawang-isip ang aktor nang tanggapin niya ang “False Positive”, “Unang tawag pa lang po nila, it’s a yes kaagad.
“Yes, yes, yes! I was so happy. They sent me the script and after I opened up the script medyo namalikmata pa ako, e. Sabi ko, ‘Wait lang, wait lang, baka nagkamali lang, baka na-typo lang na, ‘Edward dela Guardia as Xian, mabubuntis!’
“Parang sabi ko, ‘Wait, wait, baka nagkamali lang? Di ba nagkakamali yung ano?’ Sabi ko, ‘Wait, paano nabuntis ‘to?’ Tumawag kaagad ako, ‘Wait, sigurado po ba kayo na ako ang mabubuntis?’
“Sabi nila, ‘Yes!’ Tapos, nag-meeting po kaming lahat and tinanggap naman po ako ni Direk Irene and ni Glaiza, sabi ni Glaiza okay lang po siya to work with Xian, so ayun po, napasok po ako sa show,” natatawa pang chika ni Xian.
Kasama rin sa serye sina Herlene “Hipon Girl” Budol, Buboy Villar, Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion, Dianne dela Fuente at Nova Villa.
Samantala, nang tanungin naman si Xian kung sa totoong buhay ba ay handa na siyang maging tatay, “Honestly hindi pa po ako ready. Because spiritually, I think I need a proper mindset for it.”
https://bandera.inquirer.net/288188/kim-suportado-ang-paglipat-ni-xian-sa-gma-makakatambal-si-jennylyn-sa-unang-kapuso-serye
https://bandera.inquirer.net/291998/xian-alam-ang-mga-hinanakit-at-sama-ng-loob-ni-kim-umaming-kinakabahan-kay-jennylyn
https://bandera.inquirer.net/294818/xian-todo-pasalamat-sa-pageant-fans-saludo-sa-tibay-at-tapang-ng-miss-world-ph-2021-candidates