Miss World PH 2022 wala nang atrasan; Hannah Arnold tuloy na ang laban sa Miss International

Hannah Arnold at Tracy Perez

WALA nang atrasan ang gaganaping Miss World Philippines 2022 grand coronation night sa darating na June 5, sa Mall of Asia Arena.

Tuloy na tuloy na ang pagrampa ng mga napiling kandidata sa nasabing national pageant para sa taong ito, ayon mismo sa talent manager at head ng Miss World Philippines organization na si Arnold Vegafria.

Kasabay ng bonggang announcement ang signing ng  memorandum of agreement sa pagitan ng Miss World Philippines organization at Megaworld nitong nagdaang Miyerkules.

Pangako pa ni Arnold, isang mas bongga at pasabog na coronation night ang magaganap this year kung saan muling rarampa ang reigning queen na si Tracy Maureen Perez para iputong ang korona sa reynang papalit sa kanya.

“A bigger and better, grander production, that’s what I want. I want people to talk about it after the coronation night.

“I want it to be something like world-class. We’re changing a lot of people behind us, production and creative people,” pahayag ni Arnold Vegafria patungkol sa magaganap na finals night.


Magaganap ang pre-pageant activities sa iba’t ibang bahagi ng bansa — ang official residence ng mga kandidata ay sa Kingsford Hotel, habang ang Personality Development Sessions ay gaganapin sa Belmont Hotel Manila.

Isasagawa ang headshot photoshoot sa Richmond Hotel sa Eastwood, at ang Head-to-Head competition naman ay mangyayari sa Twin Lakes Tagaytay.

Magtutungo rin ang lahat ng official candidates sa Boracay para sa  Beach Beauty competition from May 15 to 18, at rarampa naman sila suot ang kani-kanilang national costumes sa May 21 sa Venice Piazza McKinley, Taguig City.

* * *

Sa wakas, matutuloy na rin ang Miss International pageant this year matapos ma-postpone ng ilang beses dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa pageant organizers, ngayong darating na December na mangyayari ang Miss International 2022 coronation night na gaganapin sa Japan.

“Prior to the arrival of all the delegates, we will make sure that each one has been taking part in various activities that promote the United Nations’ Sustainable Development Goals,” ang nakasaad sa statement ng pageant organizers sa kanilang Instagram page.

Si Hannah Arnold, na kinoronahang Binibining Pilipinas International  2021, ang siya pa ring magiging representative ng Pilipinas sa nasabing beauty pageant.

Matapos ang nasabing announcement, agad nag-post si Hannah sa kanyang IG, “Thank you, Binibining Pilipinas Charities Inc., for this blessing to continue my dream journey.

“This is such exciting news that my MI (Miss International) sisters and I have been praying for, and messaging a lot about. Tuloy ang laban. See you, Japan, in December,” excited pang mensahe ng Pinay beauty queen.

Anim na Miss International title na ang naiuwi ng Pilipinas courtesy of Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Santiago (2013), and Kylie Verszosa (2016).

https://bandera.inquirer.net/288961/bakit-na-challenge-si-2021-bb-pilipinas-international-hannah-arnold-sa-swimsuit-competition
https://bandera.inquirer.net/291308/pinahanga-mo-ako-pacman-lumuha-ako-sa-interview-mo-no-need-to-apologize
https://bandera.inquirer.net/296762/movie-producer-radio-anchor-carl-balita-wala-nang-atrasan-sa-2022-may-promise-sa-mga-taga-showbiz

Read more...