BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!

BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!
FINALLY, nakuha na ni BB Gandanghari ang kanyang citizenship bilang legal nang mamayan ng Amerika.

Ito ang ibinalita ni Mama Loi sa vlog nila nina Ogie Diaz at Tita Jegs, “Finally, US citizen na si BB Gandanghari for almost a decade sa pag-stay niya sa US of A hayan natupad na ang kanyang pangarap na maging US citizen.”

“Congratulations BB Gandanghari,” pagbati naman ni Ogie.

Biglang sabi ni mama Loi, “ay di ba magbabakasyon ka sa US of A? Tapos nasa US of A din si BB Gandanghari, paano kung magkita kayo ro’n?”

“E, di babatiin ko siya. congratulations Sis,”sambit ni Ogie.

Hirit naman ni tita Jegs, “paano ‘yun kung sabihan kang ‘wag mo akong masi-sis?”

May hindi pagkakaunawaan kasi sina BB at Ogie noon pa pero para sa huli ay wala na iyon sa kanya at malinis ang konsensiya niya.

Sabi nga ni mama Loi, “feeling ko pag nagkita kayo magiging friends kayo.”

“Oo naman. Pero ang iniisip ko ‘yung dating siya (Rustom Padilla) na kaibigan ko,” saad ni Ogie.

‘Paano kung binati mo tapos inisnab ka naman?’ Tanong ni tita Jegs.

“Ay ‘yun lang at least confirm na galit siya sa akin. Si BB Gandanghari ang galit sa akin. Ako hindi galit sa kanya. Di ba, at least wala akong karga. Kung siya karga niya ‘yun, karga niya ‘yun, di ba? Uunawain ko na lang kasi iniisip ko pa rin ‘yung dating siya na mabait sa akin at kaibigan ko.

“Pero nakakatuwa ‘no dahil talagang pinaghirapan ni BB ‘yun kanyang citizenship. Kahit naman sino ‘no ‘yung nandoon sa Amerika ‘yun ang laging pinapangarap na maging citizen sila ng US,” pahayag ni Ogie.

“Kahit saan ka man manirahan ay ‘yun ang gusto para ma-enjoy mo ‘yung benefits mga pribilehiyo,”saad naman ni mama Loi.

Nabanggit pa na hindi magre-reach out si Ogie kapag nasa US na siya kay BB dahil baka magkaibang state naman sila na ibig sabihin ay malayo sila sa isa’t isa para magkita.

Related Chika:
BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’

Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

Payo ni BB Gandanghari kina Aljur at Kylie: Keep your dirty linens in the washroom

Read more...