Celeste Cortesi naniniwalang hindi tatablan sa ‘sumpa’ ng korona: We just laugh about it

Celeste Cortesi naniniwalang hindi tatablan sa 'sumpa' ng korona: We just laugh about it

MALAKAS ang pakiramdam ni Celeste Cortesi na hindi tatablan ang relasyon nilang magdyowa ng “sumpa” na dala ng Miss Universe Philippines crown.

Bago pa kasi niya masungkit ang korona ay in a relationship na ang dalaga kay Mathew Custodio, isang Filipino-British at national football team member.

Kaya naman nang manalo si Celeste sa naganap na coronation night noong April 30, marami sa mga fans ang nagsabi at nag-post sa social media na sana ay hindi matulad ang kanilang relasyon sa mga nagdaang titleholders ng Miss Universe na eventually ay nauwi sa hiwalayan.

Amin ng dalaga, madalas nilang pagtawanang magdyowa ang isyu lalo na sa tuwing makikita nila ito sa mga comments ng mga netizens.

“When we read these comments, we really just laugh about it because we know that it’s not gonna happen,” diretsahang saad ni Celeste.

Pagpapatuloy pa niya, “The fact that I am Miss Universe Philippines [proves that it] will never get in the way of our relationship. It will just make it stronger.”

 

 

“So I just wanna say to these people, there is a curse apparently, but it’s not gonna work on us,” dagdag pa ni Celeste.

Pagkukwento rin ng dalaga, kasama niya ang kasintahan sa buong journey niya.

“Mathew has been so supportive during my journey, that’s just so amazing. Whenever I was stressed, whenever I was going through something, he would always be there to support me and understand,” sey ni Celeste.

Kahit noong mapanalunan niya ang Miss Universe Philippines crown ay naniniwala siya na patuloy na magiging supportive ang si Mathew sa kanya.

Para sa mga hindi aware, ilan sa mga titleholders na diumano’y tinablan ng sumpa ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, at ang latest nga ay si Miss Universe 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.

Related Chika:
Celeste Cortesi sa pagkapanalo bilang Miss Universe PH 2022: I’ve received my second chance, I’ve worked so hard for this!

Football player super proud BF kay Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi; mawasak na kaya ang sumpa ng ‘korona’?

Michelle Dee tanggap ang pagkatalo kay Celeste Cortesi; hindi pa rin isusuko ang pangarap na Miss Universe crown?

Read more...