SA kabila ng pananakot matapos makatanggap ng death threat ilang araw lang ang nakararaan, hindi pa rin aatras sa laban si Konsehal PM Vargas.
Hindi nagpasindak ang kapatid ng aktor at public servant ding si Alfred Vargas sa pananakot sa kanilang pamilya ilang araw bago maganap ang araw ng halalan.
Sabi nga ni Cong. Alfred, “Ngayon ay nahaharap kami sa ganitong klase ng death threat na tinaon pa sa dulo ng kampanya.
“Nananawagan kami sa aming pamilya, mga kaibigan, at supporters na samahan niyo kaming maging vigilant sa lahat ng uri ng kasamaan, pananakot at pandaraya na ginagawa ng ating mga kalaban ngayong eleksyon,”
“Hindi tayo magpapatinag kahit anong pananakot pa ang gawin nila sa atin,” aniya pa.
Ayon kay PM handa na siyang harapin ang mga hamon ng kongreso at kumpiyansa siya na ang kanyang naging karanasan sa Konseho ng Quezon City ang isa sa mga rason para rito.
Sinabi ni Vargas na pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalakas sa mga LGU upang matugunan nito ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Magsusulong din siya ng mga batas na magpapataas ng sweldo ng mga health workers at pag taas ng antas at lakas ng serbisyo ng mga pang publikong ospital.
“Kailangan tayong mag-focus sa pandemic recovery at mabigyan ng kaukulang armas ang ating mga frontliners upang maka ahon tayo ng sabay-sabay. So importante sa akin ang pandemic preparedness, health services, job generation and social services,” pahayag ng public official.
Chief of Staff na rin si PM Vargas sa opisina ng ni Rep. Alfred Vargas na patapos na ang ikatlong termino. Kaya naman alam na ng Konsehal ang mga regulasyon ukol sa pag likha at pagpasa ng mga batas.
Sa napipintong pagpasok ni Vargas sa Kongreso, handa itong makilahok sa mga usapan sa mga komite niyang magiging assignments. Ang importante ay may synergy at pagkakaisang isip at puso para sa kapakanan ng mamayan.
“Given a chance to lead a committee, i will make sure that the legislation will always be pro people,” aniya pa.
Sa pamamagitan ni PM Vargas, naitala na 272,388 ang nakatanggap ng COVID-19 relief, lagpas 400,000 ang naging feeding beneficiaries sa Distrito, 21,335 ang natulungan sa livelihood programs, 18,124 ang natulungan sa pang medical na pangangailan at nalagyan ng libreng wifi ang 14 barangay halls nung panahon ng pandemya.
Si Vargas ang kasalukuyang nangunguna sa labanan sa District 5 ng Quezon City at nakatanggap na eto ng endorsements mula sa lahat ng sektor sa Distrito, kasama na ang importanteng basbas ng Iglesia ni Cristo.
https://bandera.inquirer.net/307861/alfred-naging-nanay-tatay-kaibigan-sa-mga-kapamilya-tunay-na-superhero-para-sa-kapatid
https://bandera.inquirer.net/290951/alfred-vargas-hindi-lalayasan-ang-showbiz-acting-will-always-be-my-passion-its-my-first-love-pero