NANAWAGAN ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual sa mga Pilipino na tumindig at iparinig ang boses sa nalalapit na araw ng eleksyon ngayong Mayo 9.
Sa kanyang social media pages ay muli itong nag-post ng video kung bakit mahalaga ang tumaya at manindigan para sa kinabukasan ng bayan.
“Bilang artista, sanay na ako na pukpukin ng kung ano-anong issue. May mga pagkakataon na kailangang i-address ang isang bagay, pero mas madalas, pinipili kong mahamik,” saad ni Piolo.
Pero tulad niya, marami ring mga Pilipino ang pinipiling manahimik dahil pakiramdam bila ay masyado nang magulo ang mundo at ayaw na njla g makidagdag pa.
“Katulad nang marami pa sa ating mga kababayan, tahimik akong nagmamatyag sa nangyayari sa ating bansa. Naisip ko masyado nang magulo ang mundo para makidagdag pa sa sa samu’t saring ingay at hindi ko rin alam kung nararapat ba akong pakinggan. Hindi naman ako eksperto sa pulitika,” pagpapatuloy ni Piolo.
Pakinggan ang palakas na palakas na sigaw ng taumbayan: LENI ROBREDO!
Hindi na ito panahon ng pananahimik. #PioloForLeni #IpanaloNa10ParaSaLahat
[FULL VIDEO]: https://t.co/GWkw0sHsvl pic.twitter.com/XrJ2cB9nrp
— Piolo Pascual (@piolopascual_ph) May 4, 2022
Pero kalaunan ay na-realize niya na hindi maganda ang manahimik na lang.
Sey ni Piolo, “Ang pagtahimik ay isang pribilehiyo. Hindi natin namamalayan na sinanay na tayo ng sistema upang huwag makialam hangga’t hindi tayo apektado. Ang pananahimik sa ganitong panahon ay pagkampi sa mga puwersang nagpapahirap sa ating maraming Pilipino.
Aniya, noong mga nagdaang linggo at araw ay palakas nang palakas ang sigaw ng mga taong umaasa ng mas magandang bukas at hindi na ito pwedeng isawalang bahala ng bawat Pilipinong nagmamahal sa bayan.
“Gaya niyo, ako ngayon ay tumitindig, sumasagot sa panawagan ni Leni Robredo. Hindi pwedeng pumikit na lang at umasang pagdilat natin, nagbago na ang mundo,” sabi pa ni Piolo.
Dagdag pa niya, kinakailangan ng isang gobyerno na umaalalay sa bawat pangarap na ipinaglalaban at pinagsisikapan natin araw-araw.
“Tapat na pamamahala na magbibigay sa atin ng kasiguraduhan, tutulong sa atin sa panahon ng kalamidad o matinding pangangailangan,” ani Pascual.
Sa huli ay inisa-isa niya ang katangian ni Leni at kung bakit ito ay nararapat at pinipili niyang maging pangulo.
Related Chika:
Vice: Hindi pwedeng ‘woke-woke-an’ ka lang, kailangang nagpaparehistro at bumoboto kayo
Edu Manzano umalma kay Leni Robredo nang pansinin si Piolo: Paano naman ako?