DANIEL: Pramis, hindi ko lolokohin ang fans namin ni KATHRYN!

Speaking of Daniel Padilla, patuloy pa rin ang paghataw sa ratings ng primetime teleserye nila ni Kathryn Bernardo gabi-gaibi sa ABS-CBN, ang Got To Believe.

Napaka-humble naman na sinabi ng Teen King of Philippine Showbiz na hindi niya inaasahan ang kasikatang tinatamasa niya ngayon at itinuturing niya na malaki itong biyaya sa kanya ng Diyos.
Hindi naman alam ni Daniel kung saan galing ang sinasabi nilang Daniel Padilla’s magic. “Masaya at thankful ako sa walang sawang suporta nila sa amin ni Kathryn especially sa lahat ng special projects and events namin.

Bilang pasasalamat, lagi lang akong totoo at loyal sa kanila,” pahayag ni Daniel. Ibig sabihin hindi kayang lokohin ni Daniel ang mga tao kaya asahan natin na sa lahat ng ginagawa niya ay nandu’n ang pagiging honest at sincere, hindi tulad ng ibang youngstars diyan na mapagkunwari at mga sinungaling, huh!

At least si Daniel, nagpapakatotoo lang sa sarili niya!

( Photo credit to Google )

Read more...