COCO MARTIN mas lalong pinayaman ang ABS-CBN


KUNG kami ang tatanungin, ang Juan dela Cruz ang pinaka-successful fantaserye ng ABS-CBN sa history ng telebisyon. We can say na isa na itong  phenomenon!

For the record, consistent sa pagiging number one ang JDC sa rating. Never pa itong natalo pamula nung umere. Bukod sa rating, ang balita namin ay malaki ang contribution ng JDC pagdating sa ad load ng ABS-CBN.

Consistent sa pagiging loaded with commercials ang serye. Pati ang merchandise ng JDC ay hit na hit sa mga kids. At ang 2 volumes nito ay talaga namang patok na patok!

Meaning, talagang patuloy na nag-aakyat ng kayamanan si Coco sa ABS-CBN. And higit sa lahat, ang ganda ng story, mounting at acting, wala kaming masabi.

From Coco Martin, Erich Gonzales, Albert Martinez, Zsa Zsa Padilla, Gina Pareno, Eddie Garcia hanggang kina Shaina Magdayao, Martin del Rosario at John Regala ay talaga namang deserving bigyan ng malakas na palakpakan!

Kudos din kina direk Malu Sevilla, Avel Sunpongco at Jojo Saguin sa napakahusay nilang direksyon, pati na rin ang creative ng Juan Dela Cruz dahil isa na siguro ito sa mga fantaserye na kinagat mula bata, matanda, babae, lalake at mga bata.

Congrats sa Dreamscape Productions for coming up with such brilliant concept sa primetime. Let’s see kung matatapatan ng mga gustong um-attempt ang na-achieve ng Juan Dela Cruz.

( Photo credit to Google )

Read more...