Shaina Magdayao ibinandera ang pagiging ‘Kakampink’, bakit nadamay si Toni Gonzaga?

Shaina Magdayao ibinandera ang pagiging 'Kakampink', bakit nadamay si Toni Gonzaga?
TULUYAN nang nagpahayag ng suporta ang aktres na si Shaina Magdayao sa kandidatura ni Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang larawan na may suot na pink flower sa kanyang tenga.

“Ako si Shaina Magdayao, Pilipino. Taxpayer. At gusto ko ng bukas na kulay rosas,” saad ng dalaga sa kanyang post na may mga hashtags na “#LetLeniLead2022” at “#KulayRosasAngBukas”.

Marami naman ang natuwa sa ginawang pagtindig ng aktres sa kanyang pinaniniwalaang kandidato.

“Shaina!!!!!Maraming salamat sa pagtindig!!!!” masayang saad ni Bianca Gonzalez.

Saad ng isang netizen, “I am so happy! I’ve prayed for so many days waiting for this post. Salamat sa pagtindig! Kasama mo ako sa paglalakbay sa bukas na kulay rosas.”

“Yesss the OG Gabbie Salazar is also into Leni-Kiko like the young Gabbie (Belle Mariano),” sey naman ng isa.

 

 

At speaking of her character bilang si Gabbie Salazar sa pelikulang “Four Sisters And A Wedding”, mga sa mga netizens ang muling kinaladkad ang pangalan ng singer-actress at kasama sa pelikulang si Toni Gonzaga na gumanap bilang si Teddie.

Matatandaan na sina Shaina at Toni ay bumida sa pelikula bilang magkakapatid kasama sina Angel Locsin (Alex), Bea Alonzo (Bobbie), at Enchong Dee (CJ).

Sabi ng netizen, “Si Teddie talaga ‘yung black sheep eh.”

“Siya rin naman nagsinungaling na may master’s degree siya. Sounds familiar?” sey naman ng isang netizen.

“Grabe talaga ang Four Sisters And A Wedding, reference pa rin!” hirit naman ng isa.

Matatandaang nauna nang nagpahayag na ng pagsuporta sina Angel Locsin at Enchong Dee sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan samantalang si Toni naman ay inendorso ang pagtakbo nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Hanggang ngayon naman ay wala pang pormal na anunsyo si Bea Alonzo ngunit may mga chikang kumakalat na si VP Leni rin ang sinusuportahan nito.

Related Chika:
Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?

Panawagan ni Darren Espanto para sa Eleksyon 2022: Let our voice be heard

Kapatid ni Shaina sinagot kung totoong buntis ang kapatid; Vina ‘nagulat’ kay Piolo

Read more...