Belle, Donny umamin na kaya sa tunay na estado ng relasyon pagkatapos ng eleksyon?

Belle Mariano at Donny Pangilinan

ANG laki ng naitulong ng hayagang pagsuporta ng mga kilalang celebrities kina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan kaya nagpapasalamat sila sa lahat ng kanilang mga kaalyado.

Pero hindi maiiwasan ang tanong ng iba na kung tunay bang mga Kakampink ang mga dumadalo sa campaign rally nina VP Leni at Sen. Kiko dahil ang iba raw ay gusto lamang makapanood ng libreng concert?

Well, tanggap naman daw ng mga nakakausap naming sumusuporta sa kandidatura nina VP Leni at Sen. Kiko na tumatakbo sa pagkapresidente at bise presidente,  ang mahalaga raw sa kanila ay nabigyan nila ng kasiyahan ang mga dumalo sa campaign rally.

Halos lahat ng celebrities ng Kapamilya network ay iisa ang isinisigaw at mas lalo silang naging pursigido ngayon lalo na nang ianunsyo na ng Iglesia Ni Cristo kung sino ang susuportahan nila.

Kaya kaliwa’t kanan ang post sa social media ng mga Kakampink celebrities at isa na nga ang DonBelle love team na sina Donny Pangilinan (for obvious reason, tito niya si Kiko) at si Belle Mariano.


Sabi pa ni Belle, “Tuwing eleksyon, ‘yan ang dapat tinatanong natin sa mga kandidato. Love mo ba ako? Love mo ba ang pamilya ko?”

At si Donny, “Love mo ba ang mga kaibigan ko? Ang mga kapwa ko Pilipino?”

First time voter si Belle, “Unang beses akong boboto. At pakiramdam ko, parang pumipili ako ng una kong makakarelasyon. Sino ‘yung totoong nagmamahal sa ’yo?”

Sagot naman ni Donny, “Someone you can see a future with kasi hindi ka iiwan lalo na sa panahon ng kagipitan… dahil ang number one ingredient sa love, aside from character… is you show up in the most difficult times…pag hindi nag-show up, hindi ka niyan mahal.”

Hmmmm, halatang parehong gusto nina Donny at Belle ang isa’t isa at hindi naman nila ito itinatanggi dahil ilang beses na ring naitatanong sa kanila ang tungkol dito sa mga zoom mediacon.

Hindi kaya pagkatapos ng eleksyon ay sagutin na ni Belle si Donny o posibleng umamin na sila sa tunay na estado ng kanilang relasyon?

Sabi nga ng “He’s Into Her” leading lady, “Yung ititindig ka. Yung may respeto sa ’yo. Hindi ka aabusuhin, hindi ka lalamangan, hindi ka kakawawain.”

Say naman ng leading man ni Belle, “Love for your friends dahil gusto mong kasamang mabigyan ng pagkakataong tuparin ang mga pangarap.”

* * *

Mapapanood na ng iWantTFC subscribers sa Pilipinas ang iba’t ibang international sporting events at lifestyle shows matapos ang kasunduan ng iWantTFC at Red Bull para ihatid ang mga ito nang live at on-demand sa streaming platform ng ABS-CBN.

Ipalalabas sa iWantTFC ang ilan sa mga pinakainaabangang sporting matches ng Red Bull para sa motorsports, dance, watersports, at pati na rin ang mga kapanapanabik na lifestyle shows.

Isang matinding kumpetisyon ang nag-aantay sa mga motorsports fans dahil mapapanood na simula Mayo 8 ang Drift Masters European Championship at pwede ring balikan ang kwento sa likod ng tagumpay ng Formula One racer na si Carlos Sainz sa “Road to 55.”

Ipalalabas din sa iWantTFC ang Red Bull BC One World Finals, na gaganapin sa Nob. 12, kung saan magtatagisan ang pinakamagagaling na dancers sa buong mundo. Alamin naman ang kwento ng Filipino B-boy na si Ronnie Abaldonado at iba pa sa mga pinakasikat na B-boys sa mundo ng dancing sa dokumentaryong “Break’n Reality.”

https://bandera.inquirer.net/311113/belle-mariano-mas-naging-close-pa-ngayon-kay-donny-pangilinan-i-trust-him-so-much-sobra-talaga

https://bandera.inquirer.net/309274/donny-belle-totoong-totoo-ang-relasyon-magkasabay-na-nagma-mature-bilang-magka-loveteam

https://bandera.inquirer.net/303742/donny-inisa-isa-ang-mga-nagustuhan-sa-ka-loveteam-belle-and-i-are-in-a-happy-place-right-now

Read more...