Ricci binasag ang ilusyon ng babaeng TikTokerist, naka-score kay Andrea: Mas sexy ang GF ko kesa sa ‘yo!

Andrea Brillantes, Ricci Rivero at ang babaeng TikTokerist

SINUPALPAL nang bonggang-bongga ng basketball player at aktor na si Ricci Rivero ang isang babaeng Tiktokerist matapos itong magpakalat umano ng fake news.

Ito’y matapos ngang mag-viral sa TikTok ang claim ng nasabing girl na pinusuan daw ng boyfriend ni Andrea Brillantes ang ipinost niyang bikini photo sa social media.

Mahigit 3 million views na ang nakuha ng nasabing TikTok video kung saan makikita ngang naka-highlight pa ang pag-heart umano ni Ricci sa litrato ng hindi pa nakikilalang babae.

Base sa mga comments ng mga nakapanood sa video, tinatanong nila kung ano raw ang masasabi ni Andrea sa pambubuking ng girlalu kay Ricci.

Kasunod nito, nag-post naman si Ricci sa kanyang Instagram Story kahapon, May 4, para pabulaanan at pasinungalingan ang sinasabi ng female TikTokerist.

Ni-repost ng actor-cager ang screenshot ng pag-heart daw niya sa bikini photo ng girl at nilagyan ng caption na, “Lol 1st of all i would never do that 2nd it’s clearly edited 3rd mas sexy gf ko kesa sayo.”

Nilagyan pa ni Ricci ang kanyang panonopla sa babae ng crying and laughing emojis para ipagsigawan sa buong mundo na hindi uubra ang paggawa nito ng pekeng balita sa socmed.

Marami namang netizens ang nagkomento, kabilang na ang supporters nina Ricci at Andrea, na may mga tao talagang gagawa at gagawa ng fake news para masira ang relasyon ng young couple.

Kung susumahin, one month pa lang na magdyowa sina Ricci at Andrea pero ngayon pa lang ay may mga nanggugulo na sa kanilang pagsasama.


Matatandaang “nag-propose” si Ricci kay Andrea pagkatapos ng basketball game sa pagitan ng UP Maroons at FEU Tamaraws noong April 9. Hindi naman napahiya ang basketball player dahil nag-“Yes” naman agad ang Kapamilya youngstar.

At kahit na naghiwalay na sila ng kanyang ex-boyfriend at ka-loveteam na si Seth Fedelin, nananatili pa rin daw silang magkaibigan magkatambal on screen.

https://bandera.inquirer.net/308329/andrea-brillantes-ricci-rivero-dating-na-ayon-sa-source-ni-mama-loi

https://bandera.inquirer.net/308070/andrea-brillantes-ricci-rivero-spotted-sa-bgc-tanong-ng-mga-marites-magdyowa-na-ba

https://bandera.inquirer.net/311765/andrea-brillantes-sinusubukang-hikayatin-si-ricci-rivero-para-maging-kakampink

 

Read more...