Socmed personality na si FLM tuloy ang pagtulong manalo o matalo sa labanan ng mga senador

Itinayo ng mga supporters ni Francis Leo Marcos ang kanyang standee sa isang campaign rally

MANALO, matalo tuloy pa rin ang gagawing pagtulong ng social media personality na si Francis Leo Marcos o mas kilala ng mga netizens bilang si FLM.

Tumatakbo sa pagkasenador ang kilalang vlogger at tuluy-tuloy pa rin ang laban niya sa politika kahit na may mga pinagdaraanan sa personal niyang buhay.

Kamakailan nga, balitang at least 3,000 supporters noong April 23 ang nakilahok sa motorcade para ipakita ang kanilang pagsuporta kay FLM.

“We are 100 percent sure that he is going to win,” saad ni Berlie Lauron, campaign manager ni FLM.

“We have been going around the province of Cebu and we have never heard a single negative comment against Marcos,” dagdag ni Lauron.

Aniya pa, malaki ang maitutulong ng Filipino Family Club International Inc. na binuo ng social media personality na si Marcos sa kanyang magiging panalo.

“We have millions of members worldwide and everyone is putting their own contribution to help the candidacy of FLM,” sabi pa ni Lauron.

Pinatuyan ng campaign manager ni FLM na hindi nawawalan ng pag-asa ang mga supporter ni Marcos kahit wala ito sa mismong kampanya.

Pinagbigyan ni FLM ang sigaw ng kanyang supporters kaya siya ay tumakbong senador. Malaki ang parte ng supporters sa kanyang desisyon.

“He was forced to run because of his supporters. We are using our own resources for his campaign. It’s really pure volunteerism,” saad pa niya.

Kung sakaling mananalo, pagtutuunan ng pansin ni FLM ang urban housing, sustainable livelihood and quality education pagmamalaki ng kanyang campaign manager.

Noon pa man ay tumutulong na sa mga nangangailangan si FLM kahit hindi pa ito sumasabak sa mundo ng politics.

“Win or lose, he (Marcos) will continue giving help,” pagtatapos ni Lauron.
https://bandera.inquirer.net/291301/pacquiao-nag-sorry-matapos-matalo-ni-ugas-tatakbo-pa-kayang-pangulo-sa-2022

https://bandera.inquirer.net/300690/socmed-influencer-francis-marcos-kinampihan-ng-comelec-tuloy-ang-pagtakbong-senador-2
https://bandera.inquirer.net/293670/aiko-naglabas-ng-ebidensya-laban-sa-mga-kontrabida-sa-politika-kayo-na-po-ang-humusga

Read more...