HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang viral online seller at dating “Pinoy Big Brother: Kumunity” celebrity housemate na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si “Madam Inutz” sa bagong blessing na dumating sa buhay niya.
Hindi raw talaga niya in-expect na darating ang araw na maipalalabas sa longest-running Kapamilya drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” ang kanyang life story.
Yes, mapapanood na nga sa “MMK” ni Charo Santos-Concio ang inspiring at makulay na buhay ni Madam Inutz na siguradong kapupulutan ng maraming aral ng manonood.
Ang napili ng produksyon ng “MMK” na gumanap bilang Madam Inutz sa two-part Mother’s Day special na ito ay ang actress-dancer na si Dawn Chang.
Sa naganap na online presscon para sa nasabing episode ng “MMK”, inihayag ni Madam Inutz ang sobrang kaligayahan na mabigyan ng chance na maibahagi ang kanyang kuwento sa madlang pipol, lalo na ang mga pinagdaanan niyang pagsubok bilang single mom.
Aniya, never niyang na-imagine na maipalalabas ang kanyang life story sa “MMK”, “Hindi talaga, kahit sa panaginip. Kahit ‘yung mag-viral ako hindi ko rin inasahan. As in wala talaga akong inaasahan sa buhay.
“Basta ako, lagi lang akong positive sa buhay kasi. Wala akong inasahan na mga bagay-bagay na mangyayari sa akin. Kaya nung nangyari ito, super grateful talaga ako,” pahayag ni Madam Inutz.
Aniya pa, “Sa sobrang hirap ng pinagdaanan ko, nandito pa rin ako at patuloy na lumalaban.
“Patuloy na naghahanap-buhay para sa magulang ko, sa mga anak ko. Ang hirap ipaliwanag talaga ng mga nangyayari, hanggang ngyon hindi pa rin ako makapaniwala,” diin ng komedyana.
Para naman kay Dawn Chang, isang malaking challenge rin sa kanya ang gumanap bilang Madam Inutz, “Si Daisy ay product ng kung ano ang pagpapalaki ni nanay Criselda sa kanya.
“Kaya kung mapapanood ng ating mga Kapamilya ang episode na ito ay makikita nila kung gaano kabuti ang kalooban ni Daisy.
“Kung paano siya naging Madam Inutz, it’s the drive because lahat ito para sa magulang, para sa pamilya,” chika ng aktres.
Ang Mother’s Day special na ito ng “MMK” ay mula sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Arah Jell Badayos.
Mapapanood ito ngayong May 7 at sa May 14 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at A2Z Channel 1, 8:45 p.m..
Makakasama rin dito ang mga dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina Gino Roque at Pamu Pamorada.
https://bandera.inquirer.net/296078/madam-inutz-muling-pinaiyak-ang-ina-maraming-isinakripisyong-raket-para-sa-pbb-10
https://bandera.inquirer.net/296362/madam-inutz-pinayagang-mag-live-kahit-nasa-pbb-house-para-makatulong-sa-pamilya
https://bandera.inquirer.net/307589/buhay-ni-karen-bordador-sa-loob-ng-kulungan-ibabandera-sa-mmk-kapit-lang-tayo-guys-god-is-good