Rufa Mae payag na sa mga mother roles: Kasi dati puro funny, sexy… ngayon puwede na akong maging ina

Rufa Mae Quinto

WALANG problema o isyu sa Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto kung bigyan na siya ng mga bossing ng GMA 7 ng mother roles sa teleserye o pelikula.

Mismong ang komedyana na ang nagsabi na sa pagbabalik niya sa Kapuso Network, mas gusto niyang subukan ang iba’t iba pang karakter kabilang na nga ang pagiging isang ina.

Sa totoong buhay naman daw kasi ay nanay na siya kaya siguradong marami rin siyang paghuhugutan sakaling bigyan siya ng mga mother roles sa susunod niyang mga acting projects.

“Ngayon, mga mother figure na rin, mother role. Kumbaga mas puwede na akong maging ina ngayon,” ang chika ni Rufa Mae sa isang video ng Kapuso Showbiz News.

“Kasi dati iba ‘yung role, puro funny, sexy mga ganyan. Eh, ngayon, mas maganda na dahil mas may puso na talaga,” pahayag pa ng komedyana at tinaguriang hot mama.

Last month, in-announce nga ng GMA management ang pagbabalik ni Rufa Mae sa kanyang mother network. Isa siya sa mga nadagdag sa listagan ng mga pinakabagong talent ng Sparkle, ang bagong tawag sa talent management arm ng GMA Network na pinamumunuan ng star builder na si Johnny Manahan.

Sabi ni Rufa Mae, shookt din siya sa bilis ng mga pangyayari sa pagbabalik niya sa showbiz at sa Kapuso station, “Laging sakto lahat ng pagbabalik ko. Nagka-management, nagkaroon ng back to GMA.


“Lumaki rin ako bilang si Rufa Mae sa GMA, lahat ginawa ko na diyan, magpakain sa buwaya na lang ang hindi. Ha-hahaha!

“Nag-host ako, nag-sitcom, nag-gag show, naging mermaid, naging Darna,” aniya pa.

Sa ngayon bukod nga sa nag-iisang anak nila ni Trevor Magallanes na si Alexandria Athena, madadagdag sa mga priority niya ang muling pagbuhay sa natulog niyang acting career.

https://bandera.inquirer.net/292002/rufa-mae-sa-epekto-ng-pandemya-parang-naging-horror-film-ang-buhay

https://bandera.inquirer.net/285207/ganito-pala-maging-nanay-ang-sarap-ang-saya-pero-ang-sakit-din
https://bandera.inquirer.net/285441/rufa-mae-iyak-nang-iyak-hirap-na-hirap-ako-nung-una-parang-end-of-the-world-na

Read more...