3 box-office director sanib-pwersa para sa ‘special reunion’ ng KathNiel; Daniel, Kathryn feeling naka-jackpot

Cathy Molina, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Mae Cruz at Olivia Lamasan

FEELING naka-jackpot sa lotto ang reel and real life lovers na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa bago nilang reunion project na very soon ay mapapanood na ng madlang pipol.

Hindi lang daw isa, o dalawa kundi tatlong direktor ang magsasanib-pwersa sa latest project nina DJ at Kath na isa nga sa mga bonggang regalo ng ABS-CBN sa milyun-milyong KathNiel fans all over the universe.

Sa pamamagitan ng Instagram, excited na ibinahagi ni Kathryn ang tungkol sa proyekto nila ni Daniel na “2Good2gether: A Special Reunion” na very soon ay mapapanood na sa  ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

“How did we get so lucky to have not just one, not two, but THREE DIRECTORS who patiently guided us every step of the way?

“We are beyond blessed to have been mentored by these 3 amazing women!” ang bahagi ng inilagay na caption ng Kapamilya actress sa kanyang IG post.


Dito makikita ang litrato nina Kath at DJ kasama ang mga box-office at award-winning directors na sina Cathy Garcia Molina, Mae Cruz Alviar, and Olivia Lamasan.

Chika pa ni Kathryn, “Direk Cathy, Direk Mae, and our Inang, maraming salamat po… You know the rest! Don’t miss out as Direk Cathy Garcia Molina, Direk Mae Cruz Alviar, and ‘Inang’ Olivia Lamasan take us through KathNiel’s beginning, present, and future!”

At bukod nga sa nasabing reunion special, malapit n’yo na ring mapanood ang pinakabagong serye ng KathNiel, ang “2Good2 Be True.” Ito ang first Filipino series na mapapanood simultaneously sa Netflix at sa telebisyon.

Eksklusibo muna itong ipalalabas sa Netflix for 72 hours bago mapanood sa free and pay television.

“Super pleasant surprise. Noong tumawag si Tita Cory (Vidanes), sabi lang niya, ‘Kath, can I call? Because I want na sa amin mo unang marinig.’

“Hindi ko naman in-expect na ‘yun ang sasabihin niya kaya super na-excite kami lalo,” sabi pa ni Kathryn nang malaman ang tungkol sa partnership ng Netflix at ABS-CBN.

Proud na proud namang ibinahagi ni Daniel ang kalidad ng bago nilang serye ni Kathryn, “Mas film style na ‘yung show. Hindi lang siya basta. Dati, ‘yung mga serye kasi natin ‘pick pack’ lang, usap, dalawang camera, dalawang kinukuhanan tapos next sequence na tayo.

“Ngayon, para tayong pelikula. May three shots para sa isang eksena na iba-iba ‘yung anggulo. Mas film ‘yung feel nito. Film talaga ‘yung pagkuha nitong serye ngayon. It’s much better. Sakto siya sa Netflix dahil siyempre kailangan nating lumebel sa kanila doon,” aniya.

Mapapanood ang “2Good2 Be True” sa Netflix on May 13 habang sa May 16 naman ito eere sa free TV.

https://bandera.inquirer.net/308591/reunion-movie-nina-james-reid-at-nadine-lustre-imposibleng-mangyari-ngayong-2022

https://bandera.inquirer.net/279503/sharon-sinumbong-si-maricel-sa-madlang-pipol-game-pa-rin-sa-reunion-movie-nila-ni-gabby

https://bandera.inquirer.net/290961/iya-pinatawad-pa-rin-ni-drew-kahit-matindi-ang-kasalanan-naka-jackpot-ako-sa-asawa-ko

Read more...