Bb. Pilipinas International 1994 Alma Concepcion pabor sa pagsali ng LGBTQ members sa mga beauty pageant

Alma Concepcion at Beatrice Gomez

PAYAG na payag ang aktres at dating beauty queen na si Alma Concepion sa pagsali ng mga miyembro ng LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer and Intersex) sa mga beauty pageant.

Naniniwala ang isa sa cast members ng Kapuso series na “False Positive” na it’s about time na matanggap at kilalanin ng lahat ang karapatan ng mga bading at tomboy sa anumang uri ng competition.

Natanong kay Alma ang tungkol dito sa nakaraang virtual mediacon ng bagong primetime series ng GMA, ang “False Positive” last April 18 na pinagbibidahan nina Xian Lim at Glaiza de Castro.

Bukod dito, trending at talagang pinag-usapan din ang pagrampa ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez suot ang bonggang Francis Libiran suit noong April 30, sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022.

“Definitely yes. Parang just the same as any LGBTQIA candidates, kasi yung tinitingnan naman is your capacity to compete mentally, physically.


“So maganda nga sa panahon ngayon, walang discrimination pagdating sa LGBTQIA. Even gay, di ba, may nag-compete na sa Miss Universe na trans.

“So talagang ang ganda ng shift ngayon ng gender equality hindi lang para sa mga babae pero pati na rin sa mga members ng LGBTQIA,” ang matapang na pahayag ng kinoronahang Bb. Pilipinas International taong 1994.

Dagdag pa ni Alma, “Kaya I’m very happy simula nung may nag-compete nga na trans, and then now lesbian, so magandang opportunity yun.”

Ang tinutukoy na transwoman ng aktres ay si Angela Ponce, na naging representative ng Spain sa Miss Universe 2018.

“May mga strength ang mga third sex, LGBTQIA, it’s their time to shine. Kasi napapansin ko, even my brother who’s gay, napapansin ko lahat ng mga kaibigan niya, lahat productive, lahat successful, so nawawala na yung…mali na yung stigma noon na if you’re gay, kawawa ka naman.

“Nababago na yun. Actually, marami ngang businesses tina-target ang mga single, e, kasi they’re the spending crowd, di ba?

“So sila yung ano, sila yung powerful, very powerful ang LGBTQIA when it comes to economy kasi sila yung spending,” sabi pa ni Alma.

“Kaya malaking empowerment ito, malaking opportunity, tsaka hindi limitasyon ang gender mo to do whatever you like.

“If you want to compete, if you wanna be a parent, if you wanna shine in whatever career, kahit ano ka pa, kahit ano’ng gender meron ka, it’s a, kumbaga hindi na dapat sinasali yung sexual preference mo when it comes to excellence.

“If you’re very good at what you’re doing di ba, hindi na dapat kinukuwestiyon what you’re doing in your bedroom,” paliwanag pa ng aktres.

Samantala, nagsimula na ang “False Positive” sa GMA Telebabad kahapon. Ito’y sa direksiyon ni Irene Villamor at kasama rin dito sina Herlene “Hipon Girl” Budol,  Buboy Villar, Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Dianne dela Fuente, at Nova Villa.

https://bandera.inquirer.net/310950/alma-concepcion-pinayuhan-si-herlene-budol-para-lumakas-ang-laban-sa-bb-pilipinas-2022

https://bandera.inquirer.net/285527/miss-qa-juliana-parizcova-hinampas-ng-trophy-sa-ulo-kontra-sa-pagsali-ng-trans-sa-miss-u-2

https://bandera.inquirer.net/288858/maureen-wroblewitz-nag-sorry-sa-pagsisinungaling-tungkol-sa-pagsali-sa-miss-universe-ph

Read more...