Football player super proud BF kay Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi; mawasak na kaya ang sumpa ng ‘korona’?

Celeste Cortesi at Mathew Custodio

KUNG may isang hiling ang mga supporters at social media followers ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, yan ay ang mawasak na sana ang “sumpa” ng koronang ipinutong sa kanya.

Ito’y matapos ngang lumantad sa publiko ang  boyfriend ni Celeste — ang Filipino-British athlete na si Mathew Custodio na isa sa mga miyembro ng Philippine football team.

Sinasabi kasing may kakambal umanong “sumpa” ang Miss Universe Philippines title dahil sa karamihan sa mga nakakakuha nito ay nahihiway sa kanilang mga dyowa lalo na kapag lumaban na ang mga ito sa Miss Universe pageant.


Tulad na lang ng nangyari kay Miss Universe Philippines 2021 Bea Luigi Gomez at sa dati niyang partner na si Kate Jagdon, pati na kay Miss Universe Philippines 2022 Rabiya Mateo at sa longtime boyfriend niyang si Neil Salvacion.

Ganito rin ang nangyari sa dating celebrity couple na sina Catriona Gray at Clint Bondad nang noong 2019 matapos ang kanyang reign bilang Miss Universe 2018.

At dahil nga rito, hinihiling ng supporters ni Celeste Cortesi ng Pasay City na sana’y mawasak na ang sumpa sa kanyang pagrereyna ngayong taon.

Actually, maraming kinilig sa mga kaganapan sa backstage ng grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 lalo na nang makunan ang boyfriend ni Celeste na si Mathew na may hawak na bouquet of flowers.

Nakita namin ito sa Instagram Story ng hunk actor na si Marco Gumabao na nanood sa finals  night ng pageant event para suportahan  ang mga kaibigang sina Celeste at Michelle Dee.

Ang caption ni Marco sa video ni Mathew ay, “Congrats Mr. U.” Dinig na dinig sa video ang pagtsi-cheer ng football player kay Celeste habang hawak nga ang bungkos ng bulaklak.

In fairness, talagang ikinampanya ni Mathew si Celeste para sa online voting ng ginanap na iba’t ibang challenges ng national pageant.

Bukod dito, nag-post din si Mathew sa kanyang Facebook page ng ilang winning moments ni Celeste sa mga ginanap na challenges ng Miss Universe Philippines bago ang coronation night.

“That’s my baby,” ang caption ni Mathew nang mapasali si Celeste sa tatlong winners ng Casting Video Challenge. Kasunod nito, ni-repost din niya noong April 20 ang isang quote card na may nakasulat na, “I pray my girlfriend gets everything she’s working so hard for.”

https://bandera.inquirer.net/312425/michelle-dee-tanggap-ang-pagkatalo-kay-celeste-cortesi-hindi-pa-rin-isusuko-ang-pangarap-na-miss-universe-crown

https://bandera.inquirer.net/306745/miss-earth-2018-celeste-cortesi-join-naman-sa-miss-universe-ph-2022-i-know-my-purpose-kilala-ko-na-ang-sarili-ko

https://bandera.inquirer.net/312242/top-10-miss-universe-ph-2022-candidates-napili-na

Read more...