Dennis, Jennylyn tinawag ang bagong silang na anak na Baby D: Everything went smoothly inside the operating room

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

IPINAKILALA na ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa publiko ang kanilang bagong silang na anak — si “Baby D.”

Nagbigay ng ilang detalye ang mag-asawa tungkol sa kanilang baby girl sa pamamagitan ng news program ng GMA na “24 Oras” kagabi, May 2.

Sa nasabing official statement, hindi muna binanggit nina Jennylyn at Dennis ang ibinigay nilang pangalan sa panganay na anak at tinawag lamang nila itong Baby D na isinilang sa pamamagitan ng caesarean procedure nitong April 25.

“We would like to announce that Jennylyn and I gave birth to a healthy baby girl last April 25, 2022, at about 5 PM. Baby ‘D’ weighs 5.7 lbs and was delivered through caesarean procedure.

“Everything went smoothly inside the operating room and both Jennylyn and baby ‘D’ are doing very well now,” ayon sa statement ng Kapuso couple.

Nangako naman ang mag-asawa na magse-share sila sa publiko very soon ng mga karagdagang detalye tungkol sa bago nilang baby.

“Despite having sleepless nights these past days, Jen and I are very much enjoying our time as parents and we are very thankful that we are blessed with a healthy baby girl.

“We will share more details about this important milestone in our life very soon on our YouTube channel.

“Thank you to everyone who sent their well wishes for our family,” pahayag pa nina Dennis at Jennylyn.

Last Sunday, ibinalita nga ng mag-asawa ang tungkol kay Baby D sa pamamagitan ng vlog ni Jennylyn sa YouTube.


Sa unang bahagi ng video ay ikinukuwento pa lang nila ang ginagawang paghahanda sa pagdating ng sanggol ngunit  bandang dulo ng vlog ay ipinakita ang nangyari noong “4/25/22” kung saan nanganak si Jennylyn.

“Checkup lang dapat kami ngayon e, bigla na lang kaming manganganak na daw. Hindi kami ready,” chika ng aktres.

Mapapanood sa vlog ni Jen ang actual footage ng panganganak ni Jennylyn pero hindi pa nila ipinakita ang mukha ng kanilang baby.

Nagpakasal sina Dennis at Jennylyn noong November, 2021. Pareho na ring may anak ang dalawa sa kanilang past relationship — si Alex Jazz ay anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia, habang si Calix Andreas naman ay anak ni Dennis sa dating beauty queen at aktres na si Carlene Aguilar.

https://bandera.inquirer.net/298800/jennylyn-dennis-magkaka-baby-girl-na

https://bandera.inquirer.net/284030/detalye-ng-kasal-nina-tom-at-carla-kalat-na-matapos-ianunsyo-ng-simbahan-sa-fb

https://bandera.inquirer.net/298800/jennylyn-dennis-magkaka-baby-girl-na

Read more...