Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Paul Salas at Mikee Quintos

DIRETSAHAN nang inamin on national television ng Kapuso hunk na si Paul Salas ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Mikee Quintos.

Kinumpirma ng young actor na totoong nililigawan niya ang “Apoy Sa Langit” star nang mag-guest siya kamakailan sa episode ng Kapuso morning show na “Mars Pa More.”

Sa segment na “Pasabog Na Chika” ng prograna ay natanong ang aktor kung totoong may “something” na pagitan nila ni Mikee.

Ang mabilis na sagot ni Paul, “Meron!” At ang naging paliwanag niya tungkol dito, “Meron. Ano kami…hindi naman kami nagmamadali pero dating kami. Dito ko lang sinabi ‘yan sa Mars!”

Matagal nang napapabalita na nagkakamabutihan na nga ang dalawang Kapuso stars. Ito’y matapos silang magkasama at maging close sa teleseryeng “The Lost Recipe” last year.


May chika pa ngang magkasama silang nagbakasyon sa isang beach resort last December kung saan nakasama rin nila ang kani-kanilang pamilya.

Samantala, naibahagi rin ni Paul sa mga manonood ang reunion nila ng  kapwa niya child star noon na si Miguel Tanfelix.

“Nasa taping kami ng isang drama episode, MPK (Magpakailanman) po, then first time namin magka-work since noong nag-audition kami noong maliit pa kami.

“Then, nag-aaral kami ng script sa tent tapos after no’n medyo may awkward silence tapos sabi ko, ‘Grabe no, ang dami nating pinagdaanan tapos ngayon lang tayo nagka-work tapos ganito na tayo, medyo matanda na tayo, medyo pa-mature na tayo.’

“Tapos sabi niya, ‘Oo nga no pero masaya ako na nagka-work tayo na nandito ka so sana magka-work pa tayo sa any regular na show and teleserye,’” kuwento pa ni Paul Salas.

https://bandera.inquirer.net/281222/paul-salas-napahiya-sa-taping-gusto-na-sanang-mag-quit-sa-showbiz-sabi-ko-ayoko-na

https://bandera.inquirer.net/280850/toni-umaming-hindi-rin-perfect-ang-pagsasama-nila-ni-paul-parang-cooking-lang-yan

https://bandera.inquirer.net/281026/hirit-ni-alex-kay-toni-pag-may-away-sila-ni-paul-iwan-mo-na-yan-turuan-mo-ng-leksyon

Read more...