Vince Rillon kinontra ang ‘soft porn’ hugot ni Baron; hindi raw titigil sa paghuhubad

Baron Geisler at Vince Rillon

KINONTRA ng award-winning sexy actor na si Vince Rillon ang sinabi ni Baron Geisler na puro “soft porn” ang mga sex-drama-suspense movies ang mga pelikukang ipinalalabas sa Vivamax.

Ayon kay Vince na may bago na namang pelikula sa Viva Films, ang  “Kaliwaan” kung saan katambal niya si AJ Raval, may kuwento at aral naman ang mga content na mapapanood sa Vivamax.

Sa isang Facebook post ni Baron noong April 27, na burado na ngayon, sinabi ng magaling na aktor na sana raw ay gumawa rin ang Vivamax ng mga pelikulang nagpo-promote ng good family values at hindi soft porn content lang.

“Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft porn content for the reason that sex sells.

“Invest on acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man.

“I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!” ang nakasaad sa FB post ng aktor.

Para naman kay Vince, hindi niya itinuturing na soft porn ang mga pelikulang nagawa niya sa Vivamax tulad ng “Siklo,” at “Sisid” pati na ang original series niya na “L”. Idagdag pa nga riyan ang “Kaliwaan”, “Pusoy”, at “Virgin Forest”.


“Hindi naman po soft porn yun. May kuwento naman po yun, e, kung bakit mo ipinapakita ang mga ganu’ng bagay, sexy. May pinanggalingan po,” paliwanag ni Vince.

Diretso rin niyang sinabi na hindi pa niya naiisip na magpaka-wholesome at tumigil sa paghuhubad, “Parang ngayon, hindi na muna. Ine-enjoy ko pa itong kabataan namin. Kasi, mapupusok kami, di ba?”

“Mga BL (boy’s love), like that. Kahit may partner ka, kailangan ng sex scene du’n, e. Kasi, iyon ang inaabangan ngayon ng mga tao sa Vivamax. So, ibibigay namin hanggang kaya naming ibigay yung mga gusto nila,” sey ng aktor na nagwaging best actor sa 19th Asian Film Festival sa Rome, Italy para sa pelikulang “Resbak” ni Brillante Mendoza.

Magkasama naman sina Vince at Baron sa upcoming Vivamax movie na “Pusoy” with Angeli Khang and Janelle Tee, sa direksiyon ni Philip Giordano.

“Ang papel ko sa Pusoy, bodyguard ni Baron Geisler. And then, nangangailangan ako ng pera. Kasi yung magulang ko du’n, maysakit sa kidney,” patikim ni Vince sa kuwento ng “Pusoy.”

Samantala, palabas na ngayon sa Vivamax ang pelikula nila ni AJ Raval na “Kaliwaan”, kung saan kasama rin nila sina Denise Esteban, Mark Anthony Fernandez, Felix Roco at Juami Guitierrez.

“Sa Sisid, nangibabaw yung sex scenes namin ni Paolo (Gumabao). Dito sa Kaliwaan, kuwento. Kasi, hindi mo titingnan yung sex scene namin dito ni AJ, kung tutuusin. Susundan mo talaga yung kuwento,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/292678/baron-geisler-nawalan-ako-ng-diyos-feeling-ko-kasi-ako-yung-pinakamagaling

https://bandera.inquirer.net/305728/sexy-actor-na-si-vince-rillon-nakipagchurvahan-sa-4-na-palabang-sexy-star-sa-erotic-trilogy-na-l

https://bandera.inquirer.net/282948/kim-nag-react-sa-pasabog-na-love-scene-nina-jerald-at-sunshine-sa-kaka-porn-movie-na-nga-ba

Read more...