MATINDING “sepanx” o separation anxiety ang naramdaman ng Kapusso actress na si Kylie Padilla nang matapos na ang lock-in taping nila para sa upcoming Kapuso series na “Bolera.”
Ayon sa celebrity mom, sa lahat ng teleseryeng nagawa niya, dito sa “Bolera” siya pinakanahirapang magpaalam sa mga co-stars niya pati na sa lahat ng taong involved sa production.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Kylie na hindi niya mapigilan ang sarili na maging emosyonal nang magpaalam na siya sa pagtatapos ng kanilang lock-in taping dahil napalapit na sa kanya ang lahat ng kasama niya sa programa.
“Most of the time I don’t have a hard time detaching from the shows that I do. Usually I’m happy to finally be able to let go of a character and a team. Bolera was hard to let go of,” simulang pagbabahagi ni Kylie.
Aniya pa, “Yesterday (April 27) was our last day. On the way home I had a lump in my throat because I was heartbroken at saying goodbye to this show and to these wonderful people. I wasn’t ready.”
Dagdag pa niya, ang production team na nakasama niya sa seryeng “Bolera” at ang mga bonding moments na ang itinuturing niya ngayong pinakaboritong karanasan mula noong magsimula siyang gumawa ng mga drama series.
“It’s hard to be away from family lalo na isang buwan, pero naging pamilya ko kayo. I want to say thank you to everyone.
“The cast and crew. I made so many new friends and formed new bonds with people I now have grown to love.
“Thank you for this experience. I am so extremely proud of our show. Can’t wait for everyone to watch it. I love you feisty Joni Girl. Learn a lot from you. Thank you again everyone. Mahal ko kayo,” mensahe pa ng estranged wife ni Aljur Abrenica na gaganap ngang billiard genius sa serye.
Ilan sa mga kasamahan ni Kylie sa seryeng ito ay sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, David Remo, at Al Tantay.
Kung hindi na magbabago ang unang plano ng GMA 7, magaganap na ang world premiere ng “Bolera” sa May 30 sa GMA Telebabad.
Kung matatandaan, mismong ang mga Filipino billiard superstars na sina Efren “Bata” Reyes, Rubilen Amit, Francisco Bustamante at Johann Chua ang nag-train Kylie para serye.
“Sobrang saya ko para kay Joni. Salamat mga idol, Efren, Rubilen, Django and Johann #BOLERE,” ang caption ng aktres sa ipinost niyang litrato kasama ang tatlong billiard champs.
Ayon pa kay Kylie, “I am in love with this game. I have a long way to go but even when I am so lucky and grateful to be gifted my own Tako by the one and only @rubilenamit from @predatorcues.”
https://bandera.inquirer.net/306656/kris-bernal-inaatake-ng-sepanx-matapos-sumabak-sa-nakakalokang-lock-in-taping
https://bandera.inquirer.net/310855/rayver-cruz-bibili-na-ng-luxury-car-aamin-na-nga-ba-sa-relasyon-nila-ni-julie-anne-san-jose
https://bandera.inquirer.net/309720/rayver-cruz-julie-anne-nagkulitan-sa-soc-med-netizens-kinilig-sana-kayo-na-talaga-sa-future