Xian Lim mas tumaas pa ang respeto sa mga nanay matapos ‘mabuntis’: Grabe, hindi talaga siya biro!

Isang eksena ni Xian Lim sa 'False Positive'

Xian Lim

MAS tumaas pa ang respeto at paghanga ni Xian Lim sa mga kababaihan lalo na sa mga nanay nang dahil sa “pagbubuntis” ng karakter niya sa Kapuso series na “False Positive.”

Ngayong araw na mapapanood ang unang teleserye ni Xian sa GMA 7 na “False Positive” sa Telebabad block kung saan katambal niya ang award-winning actress na si Glaiza de Castro.

Dito, gaganap nga sina Xian at Glaiza bilang mag-asawang bagong kasal na sina Edward at Yannie dela Guardia na magkakaroon ng gender switch.

Sa halip na si Glaiza ang mabubuntis sa kuwento, si Xian nga ang magdadalang-tao dahil sa isang sumpa. At dahil nga sa kanyang role, mas nabuksan pa ang kanyang isip at puso sa matinding hirap at sakripisyo na pinagdaraanan ng mga babae.

“Kurot pa lang ‘yung nararamdaman ko sa dami nang pinagdaraanan nila so that gives me a whole another level of respect for them dahil, grabe, hindi biro,” pahayag ni Xian sa panayam ng GMA last April 29.

Pabor naman ang boyfriend ni Kim sakaling mangyari nga sa tunay na buhay ang pagbubuntis ng mga lalaki.

“Parang dapat! I think…if ever lang ha? I think they should because it will open up their… yung ego would be shattered.

“And we will learn a lot. I always hear this from my mom, sinasabi niya sa akin nu’ng bata pa ako, ‘Kung alam mo lang kung gaano kahirap yung pagbubuntis ko sa ‘yo!’


“So I wish we would have that opportunity just so we would have… our respect would really level up. Kasi ni hindi natin mararanasan iyan, but I heard it’s a very painful process.

“Kaya mahal na mahal ng nanay ang kanyang anak because they had to go through that, something really painful,” dire-diretsong pahayag ni Xian.

Samantala, inamin din ni Xian na napakahirap ng role niya sa “False Positive”, “To the point na stressed na stressed na ako dahil I don’t wanna let anyone down.

“I’m so grateful sa network, sa GMA Network, sa buong Kapuso family that I don’t wanna let them down.

“And I remember gumigising talaga ako nang maaga para lang magtanong, para lang hindi… para lang I don’t wanna cause any delays, I don’t wanna cause any aberya, kumbaga.

“There is that pressure, definitely. Pero tinanggap ko na na mahirap at gagawin ko lang at gagawin ko ang best ko hangga’t sa ma-good take ni direk Irene (Villamor),” aniya pa.

Ka-join din sa “False Positive” sina Tonton Gutierrez, Alma Concepcion Nova Villa, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, Luis Hontiveros, Dianne dela Fuente, Yvette Sanchez, Buboy Villar at Herlene Budol.

https://bandera.inquirer.net/288188/kim-suportado-ang-paglipat-ni-xian-sa-gma-makakatambal-si-jennylyn-sa-unang-kapuso-serye
https://bandera.inquirer.net/306141/aljur-tumaas-pa-ang-respeto-sa-pulis-sundalo-dahil-sa-mamasapano-nahirapan-ako-para-sa-kanila

https://bandera.inquirer.net/299925/biglang-sikat-na-singer-ayaw-nang-kunin-ng-producer-grabe-ang-taas-na-ng-tf-niya

Read more...