Bakit kaya may reshoot ang teleserye nina Papa P at Lovi na ‘Flower of Evil’?

Flower of Evil

TRULILI kaya na re-shoot ang teleseryeng “Flower of Evil”?

Sa Wednesday, May 4 ang simula ng lock in taping nila sa Fontana Resort sa Angeles, Pampanga para sa re-shoot ng Philippine adaptation ng South Korean drama base sa tsika ng taong kasama sa serye.

Tinanong namin kung bakit, “hindi ko alam, eh. Wala namang sinabi, basta pinagte-taping ulit kami.”

Kaswal ang tsikahan namin sa isa sa cast ng “Flower of Evil”, “buti na lang ‘yung mga dates na pina-block off, puwede ako kasi nga lock in. Marami-raming araw ‘yun.”

Sabi nga namin na hindi pa man naipalalabas ang serye ay ang laki na ng gastos kasi nga mag re-shoot kaya at hindi naman biro rin ang talent fees ng mga artistang kasama sa “Flower of Evil” plus production cost.

Samantala, ang taong kausap namin ay wala pa ring ideya kung bakit magre-reshoot sila hanggang sa natapos ang tsikahan namin.

Hindi na namin babanggitin ang mga dahilan kung bakit kailangang i-reshoot ang serye nina Papa P at Lovi pero sigurado kami na maganda pa rin ang resulta sa mga pagbabago ng show.

As of now ay wala pang ibinibigay na petsa kung kailan ito ipalalabas sa Kapamilya network.

 

 

* * *

Sa pagdiriwang ng darating na Pride Month ngayong Hunyo, muling pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang “Pelikulaya: LGBTQIA+ Film Festival,” sa ika-10 hanggang ika-26 ng Hunyo, 2022 na gaganapin sa hybrid format. Ang Ahensya ay nagbukas ng kanilang panawagan para sa kalahok noong ika-13 ng Abril at kasalukuyang tumatanggap pa rin ng mga entry hanggang ika-13 ng Mayo, 2022.

Sa ikalawang edisyon ng Pelikulaya, patuloy nitong isinusulong ang layunin ng bukas at makatarungang lipunan para sa lahat, na may tuon sa mga kasapi ng LGBTQIA+ community. Layunin ng festival na palalimin ang pagpapakahulugan ng konsepto ng “acceptance” bilang higit sa paimbabaw na pagtanggap o tolerance kundi bilang sinserong paggalang at pag-unawa sa dibersidad ng mga kasarian.

Kasama sa pagdiriwang ang gaganaping Pelikulaya LGBTQIA+ Short Film Competition na kasalukuyang tumatanggap pa rin nga mga aplikasyong short narrative films na di lalampas sa 20 minuto na ginawa nitong nakaraang dalawang taon (Enero 2020 hanggang Mayo 2022) at likha ng isang miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+.

May temang “Pantay-pantay, Iba’t ibang Kulay,” layunin ng Pelikulaya ngayong taon na itampok ang mga sektor ng LGBTQIA+ community na hindi karaniwang natatalakay sa mga diskusyong pangkasarian at midya gaya ng trans at queer communities. Ang mga interesadong lumahok ay hinihikayat na itampok ang mga grupong itong hindi masyadong nabibigyan ng pagkakataong makapagbahagi ng kanilang mga karanasan bilang pagsusulong sa mas malalim na pag-unawa at pagtanggap sa mga sektor na ito.

Aabot sa halagang Php 35,000 ang mga premyong naghihintay para sa mga magwawagi ng Best Short Film, Best Director, Audience Choice Award, Special Jury Prize, at Special Mention.

Sampung short films ang mapipili bilang mga finalists na iaanunsyo sa ika-2 ng Hunyo, 2022 at ipapalabas sa mga FDCP Cinematheque Centres mula ika-10 hanggang ika-26 ng Hunyo, 2022. Ang ibang detalye ukol sa screening ay ipapahayag sa mga susunod na araw.

Ibinahagi ni FDCP Chairperson at CEO na si Liza Diño, “We have always believed in the power of films and of storytelling in transcending boundaries of gender and biases. Pelikulaya is not just a film festival, it is an effort and a movement towards raising awareness, calling for equality, and a way of showing allegiance to the causes of the LGBTQIA+ community.”

Bukod sa Short Film Competition, ang Pelikulaya 2022 ay magtatampok din ng mga film showcases na akma sa tema ng LGBTQIA+, espesyal na mga pelikula para sa pagbubukas at pagtatapos ng film festival, at iba pang mga special Pride events na gaganapin sa mga Cinematheque Centers ng FDCP sa Manila, Iloilo, Negros, Davao, at Nabunturan. Mapapanood din ang mga ito online sa FDCP Channel (https://fdcpchannel.ph/). Tumutok lamang sa Facebook page ng FDCP Channel upang makatanggap ng karadagang impormasyon at iba pang surpresang handog.

Related Chika:
Lovi, Piolo bibida sa Pinoy version ng hit K-drama na ‘Flower Of Evil’

Piolo patutunayan ang pagiging Ultimate Leading Man; magpapatawa, magdadrama sa 2 bagong project

Read more...