BAGAMAT hindi personal na nakadalo ang TV host-beauty queen na si Catriona Gray sa nagdaang Miss Universe Philippines 2022 ay nanatili itong nakatutok sa live stream para abangan kung sino ang susunod na magwawagi ng korona.
Nais man kasi niyang personal na ma-witness kung paano magpatalbugan ang mga kandidata ay kinakailangan nitong umalis dahil sa kanyang naunang filming commitment.
Kaya naman kahit nasa Bohol ito ay sinigurado niyang mararamdaman pa rin ang kanyang suporta sa panonood at pagtu-tweet ng kanyang opinyon sa nagaganap na patimpalak.
“I wish the girls were given more difficult questions. Feeling ko kayang kaya nila. Anywho, who is your MUP2022? Exciting!” saad ni Catriona sa kanyang tweet gamit ang official hashtag na #MissUniversePhilippines2022.
I wish the girls were given more difficult questions. Feeling ko kayang kaya nila. Anywho, who is your MUP2022? 👑🇵🇭😊 excitinggg! #MissUniversePhilippines2022
— Catriona Gray (@catrionaelisa) April 30, 2022
Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon ang tweet ng dalaga mula sa madlang netizen.
“The questions were simple but substance of the answer matters. Miss Universe [Philippines] is looking for someone who can communicate,” reply ng netizen.
Saad naman ng isa, “I agree, but honestly, we only need a decent speaker bit a highly strong performer in pakabogan. We need to reach the placements first before going into Q&As. That’s the most important thing to have.”
Hirit pa ng isang netizen, “Tama te! Yung questions nila kayang sagutin ng 12-year-old girl. Now 24, this fashion model and singer has raised funds for various charities through benefit concerts in her country and abroad.”
Natawa naman si Catriona sa comment ng netizen at nireplyan ito mg “Hoyyyy” na may mga laughing emojis.
May nagsabi rin na sana ay mas iniayon sa nagaganap sa bansa ang mga tanong lalo na at papalapit na ang eleksyon.
“At a time when Philippines is about to elect a new president along with the unending list of sociopolitical crisis, pageantry would have been an opportunity to mirror the lived realities of Filipinos considering the extent of national symbol we associate to it,” sey naman ng isang netizen.
Sa ngayon nga ay kinoronahan na ang pambato ng Pasay na si Celeste Cortesi bilang Miss Universe Philippines 2022 at siyang nakatakdang maging representative ng Pilipinas para sa darating na Miss Universe 2022.
“Congratulations Celeste! Welcome to the sisterhood!!” pagbati ni Catriona.
Related Chika:
Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up
Miss Pasay City Celeste Cortesi waging Miss Universe Philippines 2022
Catriona Gray may ‘special participation’ sa Miss Universe PH 2022 coronation night