NAG-PROMISE si Direk GB Sampedro na hindi niya experience ang mga kuwento ng mga sexy movies na ginagawa niya tulad ng “Doblado” na pinagbibidahan ni Denise Esteban na gumaganap bilang estudyante sa umaga at high class prostitute naman sa gabi.
Natanong kasi ang direktor sa virtual mediacon ng “Doblado” kung paano niya nabubuo ang ganitong kuwento at ipinaliwanag nitong may mga exclusive site siyang napapanood na ganito ang kuwento bukod pa sa tsikahan ng mga kakilala.
Isa kami sa naniwala kay direk GB na hindi siya nagpupunta sa mga bars at naglalabas ng babae dahil sobrang family man ito na mas gusto ka-bonding ang mga anak at asawa kaysa mag-ubos ng oras sa panandaliang-aliw.
Saka, ang gaganda ng mga babaeng nakarelasyon ni direk GB noong hindi pa siya kasal kaya hindi na niya kailangang subukin ang mga nasa exclusive site.
At kung hindi naman niya kasama ang asawa’t mga anak ay nasa shoot ito lalo’t kaliwa’t kanan ang raket niya.
Anyway, natanong siya kung bakit laging tungkol sa buhay-estudyante ang storyline ng mga ginagawa niya tulad ng “Kinsenas Katapusan”, “Crush Kong Curly,” ang upcoming series na “High on Sex” at ito ngang “Doblado” na mapapanood sa Vivamax sa Mayo 6 produced ng Viva Films.
“Actually, nagkataon lang na tungkol sa student ang ginagawa ko pero ‘yung mga susunod kong project hindi naman ganu’n. Nagkataon lang siguro saka kasi ang buhay ng estudyante ay napakagandang topic, magandang subject to a film.
“Nagkataong marami akong na-research about (student life) kaya lately ganito ang ginagawa ko,” paliwanag ng direktor.
Samantala, ipinagdiinan ni direk GB na ang main focus niya sa mga pelikulang ginagawa ay ang istorya at hindi ang sex scenes.
“Added elements na lang (sex) kasi kailangan pero alam ko na mahirap gumawa rin para sa mga artista ang mga ganitong klaseng eksena.
“Kaya ina-assure ko sila na itong ginagawa natin ay art hindi ito kalokohan na ginagawa lang sa set na ‘gagawa tayo ng sexy scenes.’ I’ll make sure na protected sila at iginagalang ko ‘yung pagkatao ng bawa’t artista na dumadaan sa akin,” paglilinaw ng direktor.
Abangan ang “Doblado” sa Vivamax sa May 6 na pinagbibidahan nina Josef Elizalde, Gwen Garci, Stephanie Raz, Jiad Arroyo at Denise Esteban.
https://bandera.inquirer.net/311876/direk-gb-sampedro-walang-reklamo-sa-titulong-high-on-sex-dapat-nagevolve-rin-ang-market-gumawa-ng-tayo-ng-iba
https://bandera.inquirer.net/303630/direk-denise-ohara-nahirapan-nga-ba-sa-love-scenes-ng-the-wife
https://bandera.inquirer.net/308813/aktres-na-bad-trip-kay-sikat-na-female-star-dahil-sobrang-adik-sa-tiktok-ayoko-nang-makatrabaho-siya